Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Talaga bang Mapagtatagumpayan Ko ang Kasalanan at Tukso?Halimbawa

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

ARAW 3 NG 5

Paano ko Mapagtatagumpayan ang Espirituwal na Pakikibaka Laban kay Satanas?

Si Satanas ay tunay, ngunit siya rin ay talunan. 

Si Jesus ay naparito sa daigdig upang wasakin ang gawa ng diyablo (1 Juan 3:8). Nang mamatay ang Panginoon sa krus, namatay ang kasalanan. Nang siya ay nabuhay mula sa libingan, natalo ang libingan. Isang araw si Satanas ay ihahagis sa lawa ng apoy upang pahirapan araw at gabi magpakailanpaman (Pahayag 20:10). Si Satanas ay hindi maghahari sa impiyerno—siya ay parurusahan doon, magpakailanman.

Si Satanas ay nakikipagbaka sa ating Ama, at tayo ay lugar ng digmaan kung saan ang labanan ay nagaganap. Hindi niya masasaktan ang Diyos kaya inaatake niya ang mga anak ng Diyos. Ang pinakamagaling na paraan upang ako ay sugatan ay ang atakehin ang aking mga anak.

Sa ating espirituwal na pakikibaka sa kaaway na ito, paano tayo magtatagumpay?

Una, labanan siya sa pamamagitan ng kalakasan ng Diyos.

“Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito” (Santiago 4:7). Sa sandaling ikaw ay natutukso, isuko ang bagay na ito sa Diyos at piliin na lumaban: “Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo” (Mga Taga-Efeso 4:27). Hindi kailanman madali na tanggihan ang kasalanan kaysa nang una itong dumating sa iyong isip at puso.

Pangalawa, angkinin ang iyong tagumpay sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang Iyong Ama ay nangako na hindi Niya papayagan ang tukso nang hindi ibinibigay ang kalakasan upang talunin ito (1 Mga Taga-Corinto 10:13). Sa sandaling ang kaaway ay lumitaw sa ating buhay, manindigan sa pangakong ito. Isipin ang tagumpay na ipinangako ng Diyos.

Pangatlo, isuot ang baluti ng Banal na Espiritu. 

Ang Mga Taga-Efeso 6 ay nagpaalala sa atin: “ Magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid” (vv. 10–12).

Itong espirituwal na "baluti" ay kinapapalooban ng katotohanan ng Diyos, katuwiran, ebanghelyo, pananampalataya, kaligtasan, Salita ng Diyos, at panalangin (vv. 14–18). Manindigan sa mga ito. Isagawa ang mga ito. Magtiwala sa mga ito bilang kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. At sila ay magiging iyong tagumpay.

Kaya, asahan na ang pagtukso ng iyong mortal na kaaway.

Ang mga leon ay umaatungal lamang kung sila ay inaatake. Manindigan sa kalakasan ng Diyos ngayon. Kung ikaw ay magkulang, magtungo sa Diyos para sa kapatawaran, biyaya at tagumpay.

At sa susunod na ipaalala ng diyablo ang iyong nakaraan, ipaalala mo sa kanya ang kanyang hinaharap.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

Naitanong mo ba sa iyong sarili, “Bakit nakikipaglaban pa rin ako sa kasalanang ito?” Maging si apostol Pablo ay nagsabi sa Mga Taga-Roma 7:15: “Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.” Paano natin patitigilin ang kasalanan mula sa pagpigil sa ating espirituwal na pamumuhay? Posible ba ito? Talakayin natin ang kasalanan, tukso, si Satanas, at, salamat, ang pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Denison Forum sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.denisonforum.org