Talaga bang Mapagtatagumpayan Ko ang Kasalanan at Tukso?Halimbawa
Ano ang Dapat Kong Gawin kung Ako ay Natutukso?
Dalhin ito sa Diyos—ngayon
Kung ikaw ay natutukso, tandaan ang pangakong ito: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.” (1 Mga Taga-Corinto 10:13).
Hindi papayagan ng Diyos ang tukso na hindi Niya tayo bibigyan ng lakas upang talunin ito. Subalit, si Satanas ay hindi magsasayang ng kanyang oras sa mga tuksong alam niyang matatalo natin sa sarili nating kalakasan.
Kaya, sa bawat pagkakataon na ikaw ay natutukso, kilalanin na hindi mo maipapanalo ang labang ito kung walang tulong sa Diyos.
Sanayin ang dagliang pagbibigay ng bawat tukso sa Ama.
Humingi ng Kanyang kapangyarihan.
Ipaubaya ito sa Kanyang mga kamay.
Dalhin ito sa Diyos—ngayon.
Isipin ang kasasapitan
Paano kung ayaw mo?
Ang ating mga lihim na kasalanan ay huhusgahan ng Diyos: “Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.” (Ang Mangangaral 12:14).
Pinaalalahanan tayo ni Jesus: “Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.” (Lucas 12:2–3).
Ang ating mga salita ay huhusgahan: “Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita” (Mateo 12:36–37).
Pagkatapos ilista ang lahat ng mga kasalanan na hindi ipinahayag, sinabi ni Pedro na ang mga gumagawa ng mga bagay na iyon “ay mananagot sa Diyos na hahatol sa mga buháy at sa mga patay.” (1 Pedro 4:5).
Ano ang mangyayari sa kanila?
“Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. . . . Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy” (1 Mga Taga-Corinto 3:13, 15).
Ang mga hindi maka-Diyos, hindi inaming kasalanan, kaisipan o mga salita ay mahahayag sa paghuhukom at susunugin. Dahil ang langit ay perpekto, ang mga bagay na ito ay hindi makapapasok—kinakailangang ang mga ito ay sunugin at wasakin.
Ang kasalanan ay napawi at ang gantimpala ay nawala.
Kung ikaw ay natutukso at nararamdaman mo ang hatak na kausapin ang Diyos, huwag lumayo sa Kanyang presensya.
Sa sandaling iyon ng pangangailangan, tumakbo sa Kanya.
Tungkol sa Gabay na ito
Naitanong mo ba sa iyong sarili, “Bakit nakikipaglaban pa rin ako sa kasalanang ito?” Maging si apostol Pablo ay nagsabi sa Mga Taga-Roma 7:15: “Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.” Paano natin patitigilin ang kasalanan mula sa pagpigil sa ating espirituwal na pamumuhay? Posible ba ito? Talakayin natin ang kasalanan, tukso, si Satanas, at, salamat, ang pag-ibig ng Diyos.
More