Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na KapaskuhanHalimbawa
Paano tayo makalilikha ng makabuluhang mga pagdiriwang na puno ng pag-asa, kahit ano pa ang nangyayari sa buhay?
Kapag may pinagdaraanang pagdadalamhati, lalo na kung nawalan ng isang mahal sa buhay o kaugnayan sa isang mahal sa buhay, napakasakit na karanasan upang lumikha ng isang kinakailangang "bagong normal"...lalo na sa mga pagdiriwang. Ito ay tiyak na nangangailangan ng panahon.
Kung ikaw ay nasa mga ilang buwan o unang taon ng pagkawala ng mahal sa buhay, malamang ikaw ay nakararamdam ng matinding pighati at hindi tiyak kung paano magpaplano o kakaharapin ang mga pagdiriwang. Ang iba marahil ay walang ganang gumawa ng kahit ano, lalo pa ang magplano ng makabuluhang espesyal na panahon para sa mga pagdiriwang.
Minsan, ang pinakamagandang maaari mong gawin sa pagdadalamhati ay bigyan ang iyong sarili ng pahintulot na tahimik na sumiksik sa Diyos at gugulin ang panahon ng pagdiriwang na pangunahing kasama Niya, habang ginugugol ang oras sa panalangin sa Kanya, tinatamasa ang Kanyang pagmamahal.
Ang ilan ay maaaring may kakayahang masiyahan sa Kapaskuhan katulad nang dati sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng nakatutuwa at hindi malilimutang mga gawain at tradisyon na dati na nilang nagugustuhang gawin...at ito ay isang magandang regalo!
Ang iba ay maaaring masumpungan ang kanilang mga sarili sa gitna ng dalawang tagpo...nagnanais na gawin ang dating mga tradisyon, subalit nagnanais rin na mapag-isa dahil sa nahihirapan at nakadarama ng matinding pighati.
Ang lahat ay tama dahil ang pagdadalamhati ay karanasan na hindi magkakatulad sa lahat. Walang "maling sagot." Ang Diyos ay gumagabay at pumapatnubay sa bawat kapighatian sa lubos na natatanging paraan.
Personal kong nabatid na kung mas nakatuon ako sa Diyos at sa "tunay na dahilan ng kapistahan," mas nasisiyahan akong ipagdiwang ang Kapaskuhan. Nalaman ko rin na kung sinasadya kong magmalasakit sa iba sa mga pagdiriwang, at paghaluin ang mga luma at bagong tradisyon, ang mga pagdiriwang ay nagiging mas hindi pinangangambahang pasanin.
Paano ka makalilikha ng magagandang alaala para sa mga pagdiriwang habang nangungulila sa mga mahal sa buhay o nakararanas ng hamon sa buhay?
Ang paghiling sa Diyos na tulungan kang tumingin nang lampas sa sakit (habang patuloy na niyayakap at kinakaharap ang iyong kapighatian at kalungkutan) at sadyang magdugtong ng isang bagong kahulugan o tradisyon para sa mga pagdiriwang ay maaaring mahirap; subalit sa huli ay nakatutulong...at hindi kapani-paniwalang nakapagpapagaling.
Heto ang ilang mga halimbawa:
Nang ako ay maliit pa, naaalala ko ang aking ama na pinagsusuot ang aming buong pamilya ng pajama para makita naming sabay-sabay ang mga Christmas lights. Nang ako ay magkaroon ng sarilng anak, lagi naming pinaparangalan ang espesyal na tradisyon na ito at kami ay laging nagsusuot ng pajama at tumitingin sa mga Christmas lights. Ginagawa namin ito nang mahigit nang dalawang dekada.
Ang isa pang tradisyon na gusto kong gawin ay mag-bake ng mga paboritong pagkaing pamasko ng aking kapatid na babae. Pagkatapos ay sinisipat ko kung sino ang nalulungkot sa aking pamilya at mga kaibigan at sosorpresahin sila ng magagarbong bandehado ng mga pagkaing pamasko. Gustong-gusto kong palakasin ang loob ng iba sa buong Kapaskuhan at magbigay sa kanila ng panahon ng kaginhawahan mula sa kalungkutan.
Isang mas nakababatang babae na kabilang sa aking grupo ng nagdadalamhati, na nakaranas ng pagkamatay ng kanyang batang anak na babae, ay nagbahagi sa akin na ang mga pagdiriwang ay napakahirap sa mga unang taon buhat nang mamatay ang kanyang anak. Ang espesyal na babaeng ito ay umaampon ng isang anghel (humahanap siya ng isang anghel na pareho ng kaarawan ng kanyang anak) mula sa kanyang lokal na Angel Tree at bumibili ng regalo para sa batang nangangailangan upang parangalan ang kanyang anak.
Lubos ding mainam na magsindi ng kandilang paggunita bilang pagbibigay-pugay sa iyong mahal sa buhay. Ako ay mayroong matalik na kaibigang galing sa aking grupo ng mga nagdadalamhati (siya rin ay lider ng Grief Bites) na nagsisindi ng kandila at inilalagay ang larawan ng kanyang mga magulang sa tabi ng espesyal na kandila. Ito ay isang magandang paraan upang maalala ang mahal sa buhay sa bawat pagdiriwang.
Tanungin sa Diyos kung paano Niya nais na gugulin mo ang pagdiriwang na ito. Ito marahil ay sa relaks, tahimik na panahon ng pagdiriwang na pangunahing igugugol kasama Siya...maaaring kasama ka bilang mapaghuhugutan ng pagmamahal at lakas ng loob ng iba...ito ay maaaring pagdiriwang nang tulad ng dati... ito ay maaaring para lamang gumugol ng oras (at masiyahan) kasama ang mga mahal sa buhay...maaaring mas mainam na lumuwas ng bayan para makalayo...o maaaring pagsama-samahin ang lahat ng mga ito.
Kahit paano mo pipiliin kung paano mo gugugulin ang mga pagdiriwang, dalangin ko ay personal mong malaman kung paano nagmamalasakit ang Diyos sa iyo. Dalangin ko na ang Kanyang pag-asa at pag-ibig ay totoo sa iyo sa karanasan! Ninanais ko rin na ang lahat ay magkaroon ng pag-ibig, kagalingan at kapayapaan!
Nawa ang panahon ng pagdiriwang na ito ay mapuno ng mainit, espesyal na alalala...at lalung-lalo na ng PAG-ASA!
Natanggap mo na ba ang GANAP na Regalo...isang relasyon kay Jesu-cristo?
Gumugol ka ng panahon ngayon na basahin ang Lukas 2:1-21 at Juan 3:16 upang buksan ang pinakamainam na Regalo na maibibigay sa iyo ng sinuman. Si Jesus ay naghihintay nang bukas ang mga kamay upang tanggapin ka – bilang ikaw– at pinatatawad ang lahat ng iyong mga kasalanan. Ang kailangan mo lang gawin ay magkaroon ng tapat na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng paghiling kay Jesus na pumasok sa iyong puso at hilingin sa Kanya na gawin kang bago!
Kung nais mo ng karagdagang pag-asa at paghihikayat, inaanyayahan kita na basahin ang iba pa naming mga babasahing gabay:
•Grief Bites: Finding Treasure In Hardships •Grief Bites: A New Approach To Growing Through Grief •Grief Bites: Doubt Revealed •Singing Through The Storm
Kami rin ay nag-aalok ng pang-araw-araw na paghihikayat sa aming blog at Facebook page:
•www.griefbites.com
•www.facebook.com/GettingYourBreathBackAfterGrief
Ikaw ay napakahalaga at ang Diyos ay tunay na nagmamalasakit sa iyong pagdadalamhati! Ako ay tunay ding nagmamalasakit sa iyong pagdadalamhati, at nananalangin na pagalingin ng Diyos ang iyong puso at buhay!
Laging tandaan kung paano ka pinahahalagahan ng Diyos! Mahal na mahal ka Niya na sa katunayan Siya ay umaawit sa iyo at lubhang nagagalak sa iyo na may pusong puno ng kagalakan! Ikaw ang kagalakan ng Kanyang puso! Huwag kalimutan kung gaano Ka niya kamahal at masiyahan sa panahon ng pagdiriwang na ito nang lubusan kasama Niya!
"Mahal na Mahabaging Ama sa Langit, hinihiling ko sa Iyo na gumawa ng dakilang gawain sa bawat puso ng tao ngayon at sa mga susunod na araw. Kung sila ay natatabunan ng kalungkutan, hinihiling ko na balutin Mo sila ng Iyong pag-ibig at lubhang aliwin ang kanilang puso. Kung ang mga araw ay mahirap, hinihiling ko na buhatin Mo ang kanilang mga kapighatian at pasanin. Dalangin ko na buhusan ang bawat isa sa kanila ng Iyong mahalaga, pinakaiingatang PAG-ASA.
Bigyan Mo sila ng regalo ng isang makabuluhang espesyal na panahon ng pagdiriwang, lalong higit na kasama Ka. Kung hindi Ka pa nila tinatanggap bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas, dalangin ko na gabayan at patnubayan sila sa Ganap na Regalo magpakailanman—Ikaw! Mahal ka namin Panginoon, at salamat sa lahat ng gagawin Mo. Sa Pangalan ni Jesus kami ay nananalangin, amen!"
Ang debosyonal na ito © 2015 mula kay Kim Niles/Grief Bites. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon na puno ng kasiyahan, ngunit anong mangyayari kung ang kapaskuhan ay mawawalan ng ningning at maging mapanghamon dulot ng labis na kalungkutan o pagkawala ng isang mahal sa buhay? Ang espesyal na babasahing gabay na ito ay makakatulong sa mga nagdadalamhati upang makahanap ng ginhawa at pag-asa ngayong kapaskuhan, at ibabahagi nito kung paano magkaroon ng makabuluhang panahon ng kapaskuhan sa kabila ng pagdadalamhati.
More
Gusto naming pasalamatan si Kim Niles, may-akda ng "Getting Your Breath Back After Life Knocks It Out of You", sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.griefbites.com