Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na KapaskuhanHalimbawa
Paano mo natatagpuan at nararanasan ang pag-asa kung pakiramdam mo'y wala kang ganap na pag-asa sa mga pagdiriwang?
Pagkatapos kong pagdaanan ang pagkamatay ng aking kapatid noong Thanksgiving, ang pagkamatay ng kasintahan ko noong Kapaskuhan, pagkawala ng aking lola noong linggo ng Araw ng mga Puso, pagkawala ng isa pang lola dalawang araw bago mag-Pasko, at pagkalipas ng ilang taon, nang pagdaanan ang pagkamatay ng kasintahan ng isa ko pang kapatid noong Pasko ng Pagkabuhay, hindi ko maramdaman na mapuno ng pag-asa. Ang mga panahong nakapalibot sa kanilang pagkamatay ay napakasakit. Nahirapan akong hanapin ang anumang pag-asa, dahil sa matinding pighati.
Kung nakadarama ka man ng kawalan ng pag-asa dahil sa pagkamatay ng mahal sa buhay, o ikaw ay dumadaan sa pagkawala na nakapagpapabago ng buhay (katulad ng paghihiwalay, alitan sa pamilya, sakit, pinansiyal na problema, pagkawala ng trabaho, o iba pang mahirap na pangyayari), lagi mong tandaan na mahal ka ng Diyos at lubhang nagmamalasakit Siya sa iyo. Tunay Niyang nauunawaan kung ano ang pinagdaraanan mo at nais na ialok ang Kanyang nagpapagaling na haplos.
Ang Diyos sa huli ay nagnanais na paulanan ka ng Kanyang labis na pag-ibig at kahanga-hangang PAG-ASA!
Subalit paano mong matatagpuan ang Kanyang pag-asa at mararanasan ito nang lubos?
Simulan na hilingin sa Diyos na pagalingin ang iyong puso...hilingin sa Kanya na salinan ka ng pag-asa na nagmumula lamang sa Kanya...hilingin sa Kanya na ibabad ka sa Kanyang kamangha-manghang pag-ibig!
Hilingin sa Diyos na makayanan mo ang mga pagdiriwang at lubusang magministeryo sa iyong puso!
Basahin ang Kanyang salita at hilingin sa Kanya na mangusap nang may kapangyarihan sa iyong puso habang banayad Niyang inaaliw ang iyong nasasaktang puso at espiritu.
Kahit ano ang pinagdaraanan mo, lubos Siyang nagmamalasakit sa iyong kapighatian, kaya hanapin ang Diyos ngayong panahon ng pagdiriwang, at sa tuwina, ng iyong buong puso!
Matatagpuan mo ang Diyos—at ang Kanyang sariwa at bagong PAG-ASA—kung hahanapin mo Siya ng iyong buong puso! Ang kahabagan ng Diyos ay bago sa bawat araw kaya hilingin ang mga ito sa Kanya!
Siya ay narito para sa iyo at tutulungan kang malampasan ang mga pagdiriwang!
Panalangin:
"Mahal na Jesus, salamat sa pag-asa! Hinihiling ko partikular na bigyan Mo ako ng magandang regalo ng pag-asa at hayaan akong matagpuan at maranasan ang Iyong pag-asa at kapayapaan nang lubusan.
Hinihiling ko sa Iyo na pagpalain ang aking puso ng Iyong nagpapagaling na haplos at paulanan ako ng Iyong pag-ibig. Ama, maaari Mo bang pagalingin ang aking puso upang makayanan ko ang panahon ng pagdiriwang na ito? Dalangin ko na Ikaw ay mangusap nang may kapangyarihan sa aking espiritu habang hinahanap ko ang Iyong puso (at patnubay) habang binabasa ko ang Iyong Salita. Bigyan Mo ako ng Iyong bagong kahabagan sa bawat umaga at aliwin mo ang aking kaluluwa araw-araw. Salamat sa pagiging aking pinakatunay na Kaibigan! Pinahahalagahan at sinasamba ko ang Iyong pagkakaibigan! Mahal kita, O Panginoon!
Sa Iyong mahal na Pangalan nananalangin ako, amen."
Ang debosyanal na ito © 2015 mula kay Kim Niles/Grief Bites. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon na puno ng kasiyahan, ngunit anong mangyayari kung ang kapaskuhan ay mawawalan ng ningning at maging mapanghamon dulot ng labis na kalungkutan o pagkawala ng isang mahal sa buhay? Ang espesyal na babasahing gabay na ito ay makakatulong sa mga nagdadalamhati upang makahanap ng ginhawa at pag-asa ngayong kapaskuhan, at ibabahagi nito kung paano magkaroon ng makabuluhang panahon ng kapaskuhan sa kabila ng pagdadalamhati.
More
Gusto naming pasalamatan si Kim Niles, may-akda ng "Getting Your Breath Back After Life Knocks It Out of You", sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.griefbites.com