Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na KapaskuhanHalimbawa

Grief Bites: Hope for the Holidays

ARAW 4 NG 5

Ang kagalakan ba ay posible sa panahon ng pagdiriwang...lalo na sa gitna ng matinding pagdadalamhati?

Ang tunay na kagalakan ay tiyak na posible sa pagdadalamhati!

Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng kaligayahan at ng kagalakan na puno ng pag-asa.

Ang kaligayahan ay maaaring nababatay sa mga emosyon, kaisipan, sitwasyon, at paniniwala. Ang kagalakan na puno ng pag-asa ay makakamtan sa pamamagitan ng pagtanto ng kung gaano tayo kamahal ng Diyos Ama, pagtamasa ng Kanyang kabutihan, at pagpasok sa Kanyang ganap na kapayapan, mapagmahal na pagpapalakas ng loob, at kapahingahan. Ito ay ang pagkaunawa na ang Diyos ay may plano sa iyong kapighatian, maging sa iyong buhay, batid na hindi Siya kailanmang nagsasayang ng isang pasakit.
Sa huli, ito ay ang pagtatanto na ang kagalakan sa tuwing mga pagdiriwang ay matatagpuan sa Kanya lamang!

Bago ang pagdadalamahati, akala ko ang mga pagdiriwang ay puno ng kagalakan dahil sa mga pagpaplano at ng pagkakaroon ng "perpektong" mga pagdiriwang kasama ang pamilya at mga kaibigan. Noon lamang nagdalamhati ko napagtanto na ang pinakadalisay na kagalakan ay matatagpuan lamang sa Diyos.

Ang Diyos ang pinakatunay na kahulugan para sa, at ng mga pagdiriwang.
Ang Araw ng Pasasalamat ay hindi lamang isang araw kung kailan tayo ay nagbibigay ng pasasalamat para sa mga mahal sa buhay at mga pagpapala sa mundo...Ang Araw ng Pasasalamat ay isang araw ng dakilang pagpapasalamat dahil sa kung gaano tayo lubusang mapagpasalamat sa pagkakaroon ng Diyos na nagmamahal at nagpapahalaga sa atin! Nagpapasalamat tayo sa lahat ng Kanyang ginagawa sa ating mga puso at ating mga buhay, nagpapasalamat sa walang hanggang kayamanan na binubuo Niya mismo sa ating mga kaluluwa, at nagpapasalamat na tayo ay mayroong pinakatotoo at pinakamagandang pagkakaibigan sa Kanya!
Ang maunawaan na ang Diyos ay naghahanda ng isang lugar para sa atin sa walang hanggan, at na ang Langit ang kinaroroonan ng ating mga mahal sa buhay at ng mas dakila at mas makabuluhang kayamanan para sa atin ay isa ring dakilang dahilan para sa pagpapasalamat.

Ang Pasko ay hindi pangunahing pumapatungkol sa paggugol ng oras kasama ang mga mahal sa buhay, pagpapalamuti sa ating mga Christmas tree at bahay, pag-awit ng mga awiting pamasko, pagluluto, o panonood ng mga espesyal na pamaskong palabas sa TV...ang Pasko sa pinakadalisay na anyo nito ay tungkol sa ating Tagapagligtas na nag-iwan ng kaluwalhatian ng Langit (kaya mo bang arukin?) upang mailigtas Niya ang ating mga kaluluwa... upang Siya ay magkaroon ng natatangi at matalik na ugnayan sa atin!

Ang iwan ang lahat ng kaluwalhatian at pagsamba sa Langit—nanganganinag na kaganapan, kagalakan, at kawastuhan kasama ang 24/7 na pagsamba ng mga anghel—upang lumikha ng natatanging pagdiriwang na tinatawag na Kapaskuhan, upang tayo ay malayang makalapit sa Kanya at magkaroon ng karapatan sa matalik na ugnayan sa Kanya, ay lubos na nakamamangha sa akin! Dahil dito nais kong tumuon sa tunay na kuwento ng Kapaskuhan, ang magandang kuwento ng Kapaskuhan na nag-aalok ng hindi kapani-paniwalang pag-asa! At dahil dito ay gusto kong mahalin at palakasin ang loob ng iba sa mga paraang ako ay minamahal at hinihikayat Niya.

Gaya ng may-pagmamahal na pagbibigay Niya sa bawat isa sa atin, sinisikap kong alalahaning may-pagmahal na magbigay din sa iba sa mga pagdiriwang, sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mahal ko sa buhay sa aking paligid ng mga handog ng pag-ibig, pagpapalakas ng loob, mga espesyal na alaala, at paglilingkod upang ipakita sa kanila kung gaano ako tunay na nagpapasalamat para sa kanila.

Isipin kung paano ka mamumuhunan sa iyong pamilya at mga kaibigan sa panahon ng pagdiriwang na ito.
Makatutulong ito sa iyong pagaanin ang iyong mabigat na puso, at sa proseso ay pahintulutan kang pagpalain ang puso ng iba.

Kapag iniisip ko ang totoong kahulugan ng Kapaskuhan, ito ay nag-aanyaya sa aking gugulin ang Kapaskuhan sa paghahanap sa puso ng Diyos, sa pagdiriwang ng kagalakang matatamo sa pamamagitan Niya, at na mas mabatid kung kanino at kasama ninong maibabahagi ang Kanyang pagamamahal.

Maaaring hindi nito lubusang maaalis ang kasalukuyang kapighatian, subalit ito ay may kapangyarihang puspusin ang lahat ng mananampalataya ng tunay na kagalakan sa pag-unawa ng kahanga-hangang mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa sangkatauhan... para lang magkaroon Siya ng tapat, mapagmahal, at totoong pakikipagkaibigan sa atin!

Ang pagkaunawang ang tunay na kagalakan ay maaaring matamo, kahit sa gitna pa ng paghihirap, ay regalo na tanging Diyos lamang ang maaring lumikha sa ating mga puso.

Ngayon, hilingin sa Diyos na bigyan ka ng pinagpalang regalo ng kagalakan at hilingin sa Kanya na gawin itong tunay na karanasan sa iyo sa buong panahon ng pagdiriwang.
Pag-isipang tanungin sa Diyos kung sino ang mapagpapala mo ngayong panahon ng pagdiriwang, sa pamamagitan ng iyong pag-ibig at pagpapalakas ng loob.

Panalangin:
"Ama sa Langit, maraming salamat sa lahat na ginawa mo para sa aking pamilya at sa akin—sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap—at salamat sa lahat ng palagi at patuloy Mong gagawin din para sa amin!
Mangyaring punuin ang aming mga puso ng Iyong di pangkaraniwang kagalakan! Tulungan Mo kaming maramdaman ang Iyong kagalakang umaaninag sa aming mga puso ngayong panahon ng pagdiriwang. Gawin Mong ang Iyong presensya ay makilala, gayon din ang Iyong pag-ibig, pag-asa, pagpapalakas ng loob at kaaliwan! Pinupuri Kita dahil maaari kaming makaranas ng maka-Diyos na kagalakan kahit na ang ilan ay nasa matinding dalamhati at pasakit. Sa tuwing kami ay nalulungkot o pinanghihinaan ng loob itong panahon ng pagdiriwang, punuin ang aming mga puso ng Iyong pag-ibig at presensya! Punuin kami ng Iyong bagong PAG-ASA!
Tulungan ang bawat isa sa amin na maging kasangkapang tagapaghatid ng pagpapalakas ng loob, pag-asa, pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan sa lahat na inilagay Mo sa aming mga daraanan.
Mahal Ka namin, Panginoon! Sa Pangalan ni Jesus, Amen."

Ang debosyonal na ito © 2015 mula kay Kim Niles/Grief Bites. Lahat ng karapatan ay inilaan.. Ginamit nang may pahintulot.
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Grief Bites: Hope for the Holidays

Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon na puno ng kasiyahan, ngunit anong mangyayari kung ang kapaskuhan ay mawawalan ng ningning at maging mapanghamon dulot ng labis na kalungkutan o pagkawala ng isang mahal sa buhay? Ang espesyal na babasahing gabay na ito ay makakatulong sa mga nagdadalamhati upang makahanap ng ginhawa at pag-asa ngayong kapaskuhan, at ibabahagi nito kung paano magkaroon ng makabuluhang panahon ng kapaskuhan sa kabila ng pagdadalamhati.

More

Gusto naming pasalamatan si Kim Niles, may-akda ng "Getting Your Breath Back After Life Knocks It Out of You", sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.griefbites.com