Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na KapaskuhanHalimbawa

Grief Bites: Hope for the Holidays

ARAW 1 NG 5

Ahh, ang kapistahan! Ang panahon kung kailan ang mga makukulay na dahon ng Taglagas ay nagpapaalala sa atin na ang Araw ng Pasasalamat ay paparating na at ang Pasko ay papalapit na. Ang panahong ang bawat isa ay puno ng pagpapasalamat, pag-ibig, pagkakaisa ng pamilya, at kagalakan, tama?

Sa kasamaang palad, hindi ito ang kaso para sa lahat—lalo na yaong nawalan ng isang mahal sa buhay, yaong may mga pinagdadaanan na pagkawala ng isang mahalagang relasyon o dumaranas ng alitan sa pamilya, o yaong mga nakakaranas ng malaking pagkawala o pighati.

Habang lumalaki ako, gustong-gusto ko ang mga pagdiriwang at labis ko itong inabangan.
Nang ang aking 22 taong gulang na kapatid ay pumanaw sa Araw ng Pasasalamat, sa halip na ang kapistahan ang naging pinakamagandang panahon ng taon, ang kapistahan ay aming pinangambahan at naging pinakamapaghamong panahon ng taon.

Paano mo matatagpuan ang pag-asa tuwing panahon ng pagdiriwang?

Paano mo pararangalan ang pinahahalagahang mga mahal sa buhay na ngayon ay nagdiriwang na sa Langit kasama ng Diyos?

Ang kagalakan ba ay posible sa mga panahon ng pagdiriwang...lalo na sa gitna ng matinding pagdadalamhati?

Paano ka makalilikha ng makahulugang mga pagdiriwang na puno ng kapayapaan, sa kabila ng nangyayari sa iyong buhay?

Samahan mo ako sa mga susunod na mga araw habang sinasagot ang mga tanong na ito at marami pang iba.

"Amang nasa Langit,
Idinadalangin ko ang taong nasasaktan sa gitna ng mga pagdiriwang—lalo na ngayong Araw ng Pasasalamat at Kapaskuhan. Pagalingin at lubos na aliwin ang kanilang mga pusong nasasaktan. Paulanan Mo sila ng Iyong biyaya at habag bawat araw. Hawakan Mo sila ng Iyong mga mapagmahal na bisig at buhatin sila sa kanilang nararanasang pagdadalamhati. Sa Pangalan ni Jesus, amen!"

Ang debosyonal na ito © 2015 mula kay Kim Niles/Grief Bites. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Grief Bites: Hope for the Holidays

Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon na puno ng kasiyahan, ngunit anong mangyayari kung ang kapaskuhan ay mawawalan ng ningning at maging mapanghamon dulot ng labis na kalungkutan o pagkawala ng isang mahal sa buhay? Ang espesyal na babasahing gabay na ito ay makakatulong sa mga nagdadalamhati upang makahanap ng ginhawa at pag-asa ngayong kapaskuhan, at ibabahagi nito kung paano magkaroon ng makabuluhang panahon ng kapaskuhan sa kabila ng pagdadalamhati.

More

Gusto naming pasalamatan si Kim Niles, may-akda ng "Getting Your Breath Back After Life Knocks It Out of You", sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.griefbites.com