Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlanganHalimbawa
May apoy sa loob ng bawat isa sa atin na naghihintay na sindihan. Isang apoy na lumalaki at pwedeng kumalat sa mga taong nasa paligid mo kung patuloy mo itong pag-aalabin. Ang apoy na ito ay mas malakas pa sa pag-aalinlangan na nararamdaman mo. May kapangyarihan itong lampasan ang lahat ng negatibo na nakapaligid sa iyo.
Ang apoy na iyon, ang masidhing pagnanasa, ang panloob na kalakasang iyon ay itinanim sa iyo mismo ng Diyos. Isang masidhing pagnanasang gawin ang mga bagay na sadyang dahilan kung bakit ka nilalang, anuman ito. Isang panloob na kalakasan na magtiyaga at magtagumpay anuman ang pagsalungat sa iyo.
Maaaring hindi ako nakatitiyak kung ano ang dala ng hinaharap, ngunit sigurado akong kailangan kong gawin ang mga bagay ngayon.
Maaaring hindi ako nakatitiyak kung paano ko maaabot ang aking mga hangarin, ngunit sigurado ako kung ano ang mga hangaring ito.
Hindi ako nakatitiyak kung PAANO ako magiging matagumpay, ngunit NATITIYAK kong ako ay magiging matagumpay.
Sigurado ako nito.
Nabuo na ang isip ko.
Ibinigay sa akin ng Diyos ang lahat ng mga kagamitan na kailangan para makita ang aking mga pangarap na matupad. Siya ay nakabantay sa akin mula nang ako ay nilikha at ang Kanyang kalooban ay nangingibabaw sa lahat ng panahon
Hindi ako nakatitiyak kung paano ko ito magagawa. Ngunit sigurado ako. HIndi ko alam kung kailan ko makakamtan ang aking mga hangarin, ngunit alam kong makakamtan ko ang mga ito.
Nakatitiyak ako nito.
Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon ay walang laban sa Panginoon. Anumang sakit, takot, pagkabigo, pagod, pagkabalisa, o kawalan ng katiyakan ay ginagawang TIYAK sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Sa panahon ng kawalan ng katiyakan, huwag kang matakot. Maging tiyak.
Para makipag-ugnayan kay David Villa, Mag-click Dito!
Para mag-subscribe sa Podcast ni David, Mag-click Dito!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.
More