Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlanganHalimbawa

Certainty In Times Of Uncertainty

ARAW 2 NG 5

Sa panahong digital, ang impormasyong ibinibigay ay mas mabilis pa kaysa sa dati.

Maaari mong i-Google anumang gustuhin mo, at maaari kang magbasa tungkol sa paksang ito sa loob ng ilang linggo. Sa pag-click ng iyong mouse, o sa pindot ng iyong daliri, maaari mong matutunan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kahit ano. Habang ito ay isang positibong aspeto ng panahon kung saan nabubuhay tayo ngayon, hindi ito ganito palagi. Kasama ng kasaganaan ng impormasyon ang kasaganaan sa maling impormasyon. Balitang labis na ginawang kapana-panabik at kagulat-gulat na hindi na natin malaman kung alin ang totoo at alin ang hindi.

Ang linya sa pagitan ng katotohanan at opinyon ay ginawang malabo ng mga mamamahayag at mga istasyon sa balita na hindi interesadong hanapin ang katotohanan tulad mo at tulad ko.

Naghahangad sila ng mga rating.

Kapag takot ang mga tao, bubuksan nila ang balita. Gusto nilang maaliw o mabigyang impormasyon tungkol sa bagay na kinatatakutan nila. Subalit, madalas nating tinatanggap ang salita ng tao bilang katotohanan. Nagbabasa tayo at nakikinig at ipinagpapalagay na anumang isinulat o sinabi sa atin ay totoo, hindi iniisip na ang mga pinagmulan na ating sinusuri ay maaari ring nabigyan ng maling impormasyon.

Ang tanging KATOTOHANAN na alam natin ay si Jesu-Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan. Ang tanging katotohanan na alam nating nasuri ang pagkatotoo, binanggit, at pinanggalingan, ay na ang Diyos ay naroon mula simula hanggang katapusan. Para sa bukas at sarado. Siya ang may-akda at patnugot, at ang Kanyang salita ay pangwakas. Walang kailangan gawing kapana-panabik o kagulat-gulat. Walang katotohanan na hindi pa naibubunyag ng Diyos.

HIndi ko sinasabi sa iyo na tumigil ka na sa pagbabasa ng balita. Na huminto sa pagtitiwala sa mga nasa paligid mo. Sinasabi ko sa iyo na anuman ang isinulat, anuman ang ibinalita, alam na ng Diyos. Ang mga plano ng Diyos para sa iyo ay hindi nagbabago dahil sa kilos ng mga tao. Ang mga plano ng Diyos ay hindi natitinag, at hindi umaasa sa nangyayari sa paligid natin.

Sa panahon ng kawalan ng katiyakan, ang Diyos ay sigurado. Habang ang ating mga plano ay maaaring masira at magbago, ang planong ginawa ng Diyos para sa atin ay matutupad.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Certainty In Times Of Uncertainty

Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.

More

Nais naming pasalamatan si David Villa sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://davidvilla.me