Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlanganHalimbawa

Certainty In Times Of Uncertainty

ARAW 1 NG 5

 Araw-araw, ang mga tao sa buong mundo ay nagbubukas ng kanilang tv at nanonood ng balita.

Ang mga kaganapan sa buong moundo ay pinag-uusapan sa halos bawat channel.

Lahat ng negatibo ay nasa internet

Ang mga magasin at mga pahayagan, bagama't hindi na ganoon kasikat tulad ng dati, ay marami pa rin.

At ang takot at pagka-negatibo ay nananagana rin.

Hindi mo ito maiiwasan. Nasa ating harapan ito 24/7. Ang pagiging negatibo ay isang salot.

Pero anong gagawin natin?

Pinapalakas natin ang tunog.

Pinipindot natin ang link.

Pumupunta tayo sa susunod na pahina.

At hinahayaan natin ang mga negatibong bagay na ito na pasukin ang ating mga isipan. Nag-aalala tayo tungkol sa kung anong patuloy na nangyayaring digmaan, anumang sakit ang kumakalat, kung ano ang nangyayari sa stock market.

Bakit ginagawa natin ito? Ano ang pagkahumaling natin sa ganitong uri ng impormasyon?

Tayo ay matatakutin.

Hindi sikreto na may malaking kadiliman sa mundong ito, handang hilahin ang sinumang gustong makinig sa kanya.

Ngunit mayroon ding malaking liwanag.

At, kung saan may liwanag, hindi mangingibabaw ang kadiliman.

Ang liwanag na palaging sumisikat sa akin sa mga pinakamadilim kong mga sandali ay ang salita ng Diyos. Dahil kahit na anong sitwasyon matagpuan mo ang iyong sarili, ang Biblia ay gagabayan ka sa mga hakbang upang malampasan ito. Ang krisis sa pananalapi, mga isyu sa iyong buhay may-asawa o mga relasyon, problema sa trabaho, sa paaralan, mga pandaigdigang sakuna, maliit ang mga ito kung ihahambing sa ating Panginoon, at sa walang hanggan. Ang iyong Biblia ang panggagalingan ng walang katapusang liwanag.

Kahit na sa pinakamadilim na silid, kung ang lampara ay sinindihan, itinataboy ng liwanag ang dilim na iyon. Kahit sa harap ng pagsubok sa gitna ng trahedya at kawalan ng katiyakan, ang liwanag ng Diyos ay sumisikat sa atin at nananaig. Walang anumang bagay ang hihigit pa. Walang anumang bagay ang mas maliwanag pa.

Sa gitna ng kadiliman, pinipili kong abutin ang ang liwanag. Upang payagan itong sumikat sa aking espiritu at manguna sa daan patungo sa mas magagandang mga araw.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Certainty In Times Of Uncertainty

Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.

More

Nais naming pasalamatan si David Villa sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://davidvilla.me