Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlanganHalimbawa
Hindi tayo laging makakasiguro kung ano ang mangyayari. Hindi natin alam kung ano ang dala ng hinaharap para sa sinuman. Maaari tayong gumawa ng mga edukadong hula. Maaari tayong magpalagay. Maaari nating tingnan ang mga halimbawa at alamin ang mga ito, ngunit walang sinuman ang may alam kung ano ang dala ng bukas. Ang meron lang tayo ay ang ngayon.
At ang ngayon ay sapat na.
Nakaligtas ka sa bawat masamang araw na dinaanan mo. Bawat kalagayan at sagabal. Hindi ka talunan. Nakakita ka na ng mga tila hindi malulutas na sitwasyon dati, at hinarap mo na ang mga nakakatakot na mga kalaban na tila nakahihigit sa iyo, ngunit ikaw ang nagtagumpay.
Sa panahon ng walang katiyakan, pinipili natin maging sigurado.
Tayo ay may katiyakan hindi sa ating mga kalagayan at mga sitwasyon kundi sa ating Diyos, na nagbibigay at pinoprotektahan tayo.
Katiyakan – Matibay na paniniwala na ang isang bagay ay ganyan. Ang katangian ng pagiging maaasahang totoo. Isang katotohanan na talagang totoo o isang pangyayari na talagang magaganap.
Kawalan ng katiyakan – Ang estado ng pagiging hindi sigurado. Isang bagay na hindi sigurado o nagdudulot ng pakiramdam ng kawalan ng katiyakan.
Sinasabi ng kawalan ng katiyakan na, “Hindi ko alam kung anong dala ng hinaharap.”
Sinasabi ng katiyakan na, “Alam ko kung sino ang may hawak ng aking hinaharap!”
Ang pamumuhay na wala si Cristo ay isang buhay na walang kapayapaan. Pamumuhay ng walang katiyakan. Bawat tao ay may konsensya sa loob niya, na dapat makuntento bago siya maging tunay na masaya. Isang bagay lang ang maaaring magbigay kapayapaan sa konsensya, at iyon ay ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos.
Ipaglaban mo kung ano ang importante sa iyo. Ipaglaban mo ang iyong pananampalataya. Ipaglaban mo ang iyong pamilya. Ipaglaban mo ang iyong buhay. Huwag mong hayaan ang pagiging negatibo at ang kawalan ng katiyakan na magkaroon ng puwang sa iyong isipan. Ang Diyos ay PATULOY pa rin sa paggawa ng pagpapala.
Panahon na para paalisin ang kawalan ng katiyakan at magbigay-daan para sa kasiguruhan. Sobra na ang pagtatagal ng pagiging negatibo at ang pagiging positibo ay muling babalik!
Kailangan nating ipakilala ang mundong walang katiyakan sa isang tiyak na si Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.
More