Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlanganHalimbawa
Hindi sa lahat ng oras ay nasusunod ang mga bagay na gusto nating mangyari, pero palagi silang nakasunod sa plano ng Panginoon.
Hindi maiiwasan ang mga pagsubok sa buhay. Ang pagdaan sa isang pagsubok ay hindi isang kabiguan, itinuturing itong kabiguan kung hahayaan natin na pigilan tayo nito sa pag-usad sa ating buhay. Huwag kang panghinaan ng loob dahil sa mga pagsubok at mahabang paghihintay, na handa ka nang isuko ang iyong layunin. Wala tayong kontrol sa mga puwedeng mangyari sa atin, pero kaya nating kontrolin kung paano tayo tumugon sa mga pangyayari. Ayon kay Pastor Charles R. Swindoll, sampung porsyento ng buhay ay binubuo ng mga nangyayari sa atin at siyamnapung porsyento nito ay kung paano tayo tumugon rito.
Ang paraan mo ng pag-iisip ay isang makapangyarihang bagay. Hindi ako naniniwalang higit na talentado o may kakayahan ang mga matatagumpay na tao. Sila ay matagumpay dahil nakatuon ang kanilang isip sa tagumpay kahit sa mga panahon ng pagkabigo.
Dapat tayong magtiwala sa proseso, kahit na mahirap ang ating paglalakbay. Hinuhubog tayo ng Diyos para sa plano na inihanda Niya para sa atin. Inilalagay tayo ng Diyos sa "panahon ng pagbabanat" para ihanda ang ating isip sa kung saan man tayo nakatakdang tumungo.
Ang pagkakaroon ng katiyakan sa mga oras ng kawalan ng katiyakan ay hindi nangangahulugan na magbubulag-bulagan ka sa kung ano ang nangyayari sa iyong paligid. Hindi ibig sabihin nito na hindi ka na makakaramdam ng takot, tao lang din tayo. Tayo, bilang mga taga-sunod ni Cristo, ay pinipiling magkaroon ng pananampalataya sa gitna ng takot at mga negatibong bagay sa ating paligid. Ibig sabihin, kahit na may takot sa ating isipan, sigurado tayo na ipagkakaloob sa atin ng Panginoon kung anuman ang ating kakailanganin upang magpatuloy.
Sa oras ng kawalang-katiyakan, tiyak ang Biblia.
Sigurado ang Diyos.
Buo ang isipan ni Jesus.
Naninirahan man tayo sa mundo kung saan ang lahat ng bagay ay limitado, wala namang limitasyon ang pinagsisilbihan nating Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.
More