Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tinubos na mga PangarapHalimbawa

Dreams Redeemed

ARAW 7 NG 7

May isang linya ang dasal ng kapayapaan na karaniwang dinadasal sa 12-hakbang na mga pagpupulong na humihingi sa Diyos na tulungan tayo na tanggapin ang “paghihirap bilang daan patungong kapayapaan; tinatanggap, tulad ng pagtanggap ni Jesus, ang makasalanang mundo kung ano ito, at hindi tulad ng nais ko”.

Ang linyang ito ay lagi kong tinatandaan dahil sa sobra-sobrang ginamit kong lakas sa pag-aayos at pagkontrol ng mga pangyayari at mga tao sa aking paligid upang makamit ang buhay na gusto ko... nagsusumikap upang gawing katotohanan ang aking mga pangarap. Malinaw naman na hindi ito umubra.

Pagkatapos ng pakikipaghiwalay ko sa aking asawa, nawalan ako ng tahanan, nasira ang aking kredito, at naramdaman ko na tila isa-isang nawawala ang aking mga panangga para sa sarili ko, at ang buhay na nais kong makamit ay tuluyan nang nabuwag.  Ang buhay ko noon ay hindi ang buhay na aking ninais.

Sa isang punto, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagdadalamhati dahil nito at iniiyak sa Diyos, “HIndi nangyari ang aking inaasahan”. Nakinig ang Diyos. Pagkatapos, nagsalita Siya sa aking puso.

Sinagip kita.

Ang kawalan ng basehan ng pahayag na ito ay halos nakakatawa. Wala sa aking pinagdadaanan ang may hawig kahit bahagya man lang sa pagsagip.

Harmony, sinasagip kita mula sa iyong bersyon ng iyong pangarap... Tutubusin ko ang pangarap mo.

Ang pangakong ito, na tutubusin ng Diyos ang aking pangarap, na bibigyan akong muli ng pamilya, ay nagbigay sa akin ng pag-asa na ang panahong ito ng paghihirap ay hindi magtatagal. 

Kilala ko ang Diyos bilang isang manunubos. Una, tinubos Niya ang aking kuwento ng sakit at pagsasamantala at ginamit ito upang maabot ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng Treasures. Ngayon, ilang taon ang nakalipas pagkatapos ng aking diborsyo, masasabi ko sa iyo na Kanyang tinubos ang pangarap ko na magkaroon ng pamilya. Noong Marso ng 2014, ako ay ikinasal sa isang lalaking kamangha-mangha, mapagmahal, at pangalawang ama sa aking magandang anak! Noong Enero ng 2018, kami ay nagkaroon ng sanggol na lalaki na nagbigay ng sobrang kasiyahan sa aming tahanan.

Nagustuhan ko ang kuwento ni Jose, dahil ito ay isang hailmbawa ng taong puno ng pangarap na nanalig sa Diyos, kahit na tila nawasak na lahat ng mga ito. Siya ay itinakwil ng kanyang pamilya, iniwanan, inalipin, ikinulong, at kinalimutan. Ngunit sa lahat ng ito, kasama ni Jose ang Diyos. Sa huli, ang katotohanan niya sa Diyos ang nagbigay ng kakayahan sa kanya upang lampasan ang mga pagsubok at iligtas ang kanyang pamilya at ang Egipto sa pagkagutom. Ginamit ng Diyos ang bawat parte ng buhay at kuwento ni Jose para sa kabutihan! Tinubos ng Diyos ang kanyang pangarap. 

Napaisip ako, natukso kaya si Jose na isuko ang kanyang pangarap? Sa halip, nanatili siyang may pananampalataya sa lahat ng panahon at mga pangyayari, hinayaan ang Diyos na gamitin siya, at nagpatuloy sa pangangarap. Isang bansa ang nailigtas dahil sa kanyang pananampalataya.

Hindi ko alam kung ano ang dinaranas mo. Hindi ko alam kung ano ang mga pagsubok o pag-atake ang ipinagdusa ng pangarap ng Diyos para sa iyong buhay. Ang alam ko ay ito—ang Diyos ay manunubos. Siya ay matapat. Habang ikaw ay nangangarap, magpatuloy kang manalig, at magtiyaga… 

Tutubusin ng Diyos ang iyong pangarap. 

 

Isang tala mula kay Harmony:

Sana ay nagustuhan mo ang gabay na ito! Nais kong patuloy palakasin ang iyong loob upang mamuhay ka nang malaya, mangarap nang malaki, at gumawa ng mabuti! Iniimbita kitang tingnan ang aking blog sawww.HarmonyGrillo.com. Para malaman ang tungkol sa Treasures, pwede mong tingnan sa www.iamatreasure.com

 

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Dreams Redeemed

Anong gagawin natin kapag ang ating mga pangarap ay tila hindi maabot o nawasak na? Bilang isang taong nalampasan ang pang-aabuso at masasaklap na karanasan, pati na rin ang dalamhati ng pakikipaghiwalay sa asawa, ako ay naharap paulit-ulit sa tanong na ito. Nakakaranas ka man ngayon ng sakit ng trahedya o ng kawalan, o ng pagkabigo sa isang mahabang panahong paghihintay, ang pangarap ng Diyos para sa iyo ay buhay pa rin! Kaibigan, oras na para mangarap muli.

More

Nais naming pasalamatan ang Harmony Grillo (I Am A Treasure) sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://harmonygrillo.com