Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tinubos na mga PangarapHalimbawa

Dreams Redeemed

ARAW 2 NG 7

Ang pinakauna kong pagdiriwang bilang isang ina- ay isang araw na sa imahinasyon ko ay puno ng mga bulaklak at mga pagbati. Sa halip, nakita ko ang aking sarili na nakikinig sa isang pagtatapat na kalaunan ay napunta sa hiwalayan. Dahil sa trauma at pagdadalamhati, wala ako sa kondisyon na alagaan ang aking sanggol na babae sa kanyang unang 24 na oras. Mabuti na lang at nandiyan ang aking mga mahal na kaibigan para saklolohan ako sa gabing iyon. 

Kinabukasan nang ako ay dumating para kunin ang bata, napaupo akong umiiyak sa karpet ng sala at tumataghoy. “"Asawa niya ako. Nagsumpaan kami. Magkasama naming aalagaan at palalakihin ang aming mga anak at mga apo. Kami ang puputol sa diborsiyo na nakagawian na sa aming pamilya. Magkasama sana kaming tatanda.” 

Nakinig siya nang may pakikiramay bago niya sinabi ang kanyang obserbasyon. “Harmony, sa tingin ko ay nagpinta ka na ng larawan kung ano ang nais mong hitsura ng buhay mo. Alam kong mahirap, pero panahon na siguro para isuko mo ang kuwadro at manalig sa Diyos para magpinta ng bago. ”.

Tama siya. Hindi lamang ako nagdadalamhati sa buhay na nakikilala ko, pero pati na rin sa iniisip kong buhay na kasama ang aking asawa. Kalungkutan sa tuktok ng kalungkutan. Karamihan sa atin ay gumugugol ng oras sa pag-iisip kung ano ang magiging itsura ng ating mga buhay. Tayo ay nagpipinta ng larawan sa ating isipan ng ating mga kasal, mga anak, mga trabaho, mga kaibigan at pati na rin ang mga oras kung kailan natin makakamit ang mga ito. 

Mabuti ang pagkakaroon ng pananaw, pero anong mangyayari kung ang ating mga pangarap at mga inaasahan mangyari ay dinurog ng pagkabigo ng buhay? Ng pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkasira ng relasyon sa asawa, o pagkawala ng trabaho? Paano tayo tutugon? Magagalit ba tayo sa Diyos at tutugon nang may kapaitan? Mangangako ba tayo na hindi na mangangarap muli, dahil masyadong masakit ang umasa? O, handa ba tayo buksan ang ating mga kamay at isuko ang kuwadro ng ating buhay sa Diyos?

Ako rin ay nagpinta ng kuwadro kung ano sana ang magiging buhay ko, pero natuklasan ko na ang kuwadro ko ay hindi tulad sa kuwadro na ipinipinta ng Diyos para sa akin.

Ang pantasya ay pwede ring maging idolatriya. Ito ay nangyayari tuwing nilalagay natin ang ating pananalig sa imaheng sariling gawa natin. Mas madaling manalig sa bagay na ating nakikita at nakokontrol, kaysa sa Diyos na hindi natin nakikita at wala sa ating kontrol.

Ang tunay na relasyon at kalapitan ay maaaring nakakatakot. Ang paghilom ng sugat ay nakakatakot. Ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng pananalig at tapang upang maglakad kasama ang Diyos sa mga daanang hindi natin kilala at hindi maiisip dumaan. Pero ang Diyos, ang ating Diyos, ay nais tayong dalhin sa isang paglalakbay. Gagawin Niyang maayos ang magagaspang na mga lugar at magbibigay ng ilaw kung saan wala.

Kung tatanggapin natin ang liwanag ng Diyos na tumagos sa ating mga puso, kaya Niyang ilantad ang tunay na pinagmulan ng ating sakit, upang mangyari ang pagpapagaling. Sa ganoong paraan lamang natin makikita nang malinaw kung ano ang nagtulak sa atin na tumakas sa pantasya. Sa ganoong paraan lamang natin maisusuko ang kuwadro ng ating mga buhay sa isang mabuting Diyos, dahil batid nating kaya Niyang gawin ang higit at mas masagana pa sa ating hinihingi o kayang isipin!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Dreams Redeemed

Anong gagawin natin kapag ang ating mga pangarap ay tila hindi maabot o nawasak na? Bilang isang taong nalampasan ang pang-aabuso at masasaklap na karanasan, pati na rin ang dalamhati ng pakikipaghiwalay sa asawa, ako ay naharap paulit-ulit sa tanong na ito. Nakakaranas ka man ngayon ng sakit ng trahedya o ng kawalan, o ng pagkabigo sa isang mahabang panahong paghihintay, ang pangarap ng Diyos para sa iyo ay buhay pa rin! Kaibigan, oras na para mangarap muli.

More

Nais naming pasalamatan ang Harmony Grillo (I Am A Treasure) sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://harmonygrillo.com