Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tinubos na mga PangarapHalimbawa

Dreams Redeemed

ARAW 4 NG 7

Ang pagkadismaya at sakit ay may paraan upang mapatindi ang tukso. Iniiwan tayo nitong mas madaling matukso sa ating mga kahinaan. Ang pagkahiwalay man, labis na pagkain, pagkakaroon ng kaswal na pakikipagtalik, o sobrang pag-inom ng alak, ang ating hangarin na mamanhid o makatakas sa kirot ang nanghihimok sa atin na magkompromiso.  Sinasabi natin sa ating sarili na marapat lang na gumaan ang ating pakiramdam.

Kapag nasasaktan tayo, mas gusto nating isakripisyo ang pangarap para sa bagay na pansamantala. Ang ginhawa na hatid ng ating mga bisyo ay panandalian at mababaw sa pinakamahusay na kalagayan nito, malupit na mapanira sa pinakamasama.

Mayroong isang eksena sa sikat na opera, ang La Boehme kung saan ang dalawang lalaki ay nagdurusa sa isang brutal na taglamig sa Paris.  Ang isa sa kanila, isang manunulat, ay nagbuhos ng hindi mabilang na oras sa isang gawaing pampanitikan. Labis siyang nilalamig at halos hindi na niya mapagtuunan ang kanyang pagsusulat.

Dahil sa kawalan ng pera para sa uling o kahoy na panggatong, sa isang sandali ng lubos na pagkadesperado, itinapon ng manunulat ang buong manuskrito sa pugon. Sa ilang segundo, ang isang tambak ng papel kasama ang lahat ng kanyang gawaing pampanitikan ay naging abo.

Isinakripisyo ng manunulat na ito ang kanyang pangarap, lahat ng pinaghirapan niya, para sa panandaliang ginhawa. Sumuko siya. 

Nakikita natin ang kaparehong huwaran na ito sa kuwento ni Esau sa Genesis. Dahil sa pagod at gutom, umuwi siya sa amoy ng mainit na mainit na nilagang lentil. Sa sobrang gutom, isinuko ni Esau ang kanyang karapatan sa pagkapanganay, lahat ng mga pribilehiyo, autoridad at mana na nagmula sa pagiging panganay, para lang sa sopas. Isinakripisyo niya ang kanyang kinabukasan para sa panandaliang kaligayahan ng pagkabusog. 

Makinig ka, naiintindihan ko. 

Natutukso akong kumain base sa aking damdamin kapag ako ay nagdadalamhati (Maraming beses na sumuko ako!).  Matapos ang aking pagkakahiwalay, natukso ako na ibaba ang aking pamantayan at makipagkompromiso sa pakikipag-date, dahil sa aking kalungkutan. Laking pasasalamat, hindi ako sumuko sa tuksong ito, ngunit tiyak na naroon iyon. 

Noong mawawala na ang bahay ko, at nasa bingit ng pagkalugi, inalok ako ng aking kapitbahay ng isang trabaho na nagsusuweldo ng milyones sa pagbebenta ng parmasyutiko. Natukso akong tanggapin ang trabaho. Ngunit ang pagtanggap nito ay nangangahulugang paglalagay ng gawain ng Treasures sa hulihan. Ang pansamantalang kaginhawahan ng katatagang pampinansyal ay hindi sapat upang isuko ang hangarin ng Diyos para sa akin.  

Minsan ang pangarap na galing sa Diyos ay nangangailangan ng sakripisyo. Sa katunayan, mas mahalaga sa Diyos ang ating pagkatao kaysa sa antas ng ating kaginhawaan.

Maaari nating hayaan ang mga mahihirap na bagay na bumuo o sumira sa ating pagkatao. Maaari nating isakripisyo ang pangarap para mga bagay na pansamantala, o maaari tayong magtiyaga at ipahintulot ang pagtitiyaga na palakasin ang ating pagkatao at mabuo sa atin ang pagkahinog.  

Huwag mong isuko ang pangarap para sa kung ano ang pansamantala. Huwag mong hayaan ang kirot o pagkabigo na magdulot sa iyo ng kawalan ng iyong mga pangarap para sa mabilis na pag-aayos at panandaliang kasiyahan. Huwag sumuko. Maraming nakataya.

Mayroong kalayaan sa kabilang dulo ng iyong katapatan.  Parehong para sa iyo nang personal, at para sa lahat ng mga tao na maaapektuhan sa pamumuhay mo ayon sa iyong layunin!

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Dreams Redeemed

Anong gagawin natin kapag ang ating mga pangarap ay tila hindi maabot o nawasak na? Bilang isang taong nalampasan ang pang-aabuso at masasaklap na karanasan, pati na rin ang dalamhati ng pakikipaghiwalay sa asawa, ako ay naharap paulit-ulit sa tanong na ito. Nakakaranas ka man ngayon ng sakit ng trahedya o ng kawalan, o ng pagkabigo sa isang mahabang panahong paghihintay, ang pangarap ng Diyos para sa iyo ay buhay pa rin! Kaibigan, oras na para mangarap muli.

More

Nais naming pasalamatan ang Harmony Grillo (I Am A Treasure) sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://harmonygrillo.com