Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal Halimbawa

Walking Through Spiritual Valleys

ARAW 5 NG 5

Huwag Susuko

Ang mga desisyong gagawin mo ngayon ang magsasabi kung ano ang ikukwento mo bukas. — Craig Groeschel

Ang mga lambak na espirituwal na kinakaharap natin ay maaring panandalian o maaaring kasama natin sa matagal na panahon. Walang nakakaalam kung kailan sila dadanas nito o kung gaano sila tatagal sa ganito. Alam lang natin na walang sino man ang hindi maapektuhan ng lambak na espirituwal.

Paano kung hanggang tuhod pa ang pagkakalubog mo sa lambak na ito at hindi maabot ng iyong tanaw kahit na kaunting liwanag? O maaaring akala mo may kaunting dagitab ng liwanag, pero napakahirap pa rin ng bawat araw kaya hindi ka makasiguro. Ito ang mga araw na ang pananampalataya mo ay bahagyang umuusad. Maaaring hindi mo ito nakikita o nararamdaman. Sa katunayan, may mga araw na pakiramdam mo ay umurong pa ang iyong paglago. O maaaring nadulas ka sa ilang sandali, pero sa pangkalahatan, lumalago ka pa rin. 

Isipin mo ang sarili mo na nasa baitang na kumakatawan sa antas ng iyong pananampalataya ngayon. Para makapunta sa susunod na antas at lumago “mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian,” kailangan lang nating humakbang. Ang pananampalataya mo ay lumalago at nadadagdagan kahit na mukhang walang halaga ang resulta. Mas nagiging katulad ka na ni Jesus kahit pakiramdam mo ay kontrolado ka pa rin ng laman. At sa pagtingin natin sa ating pinanggalingan para palakasin ang loob ng ating mga sarili, makikita natin ang ilang baitang ng hagdan sa likod natin na hindi natin naisip na hinakbangan pala natin. 

Huwag sumuko at huwag mapagod. Ang iyong Diyos ay darating para sa iyo. Tulad ng ginawa Niya noon. At kahit bago pa iyon. Oo, kahit sa panahong bago pa iyon. Kaya sa silid-hintayan kung nasaan ka, huwag kang masyadong maging komportable. Parating na ang iyong pambihirang tagumpay.

Pagnilayan

  • Maaaring may kakilala ka na tila laging nasa tugatog ng espirituwal o ang lakad kay Cristo ay hindi nagbabago. Kung ganoon, tanungin sila tungkol dito. Hindi sila perpekto o hindi laging nasa kanila ang lahat, Kaya tanungin sila kung paano nila tinahak ang kanilang lambak na espirituwal. 
  • Mangako sa Diyos na mananatili ka sa Kanyang landas at pagtiwalaan Siya habang itinatawid ka Niya sa pagkatuyot ng espiritu. Sa tulong Niya, kaya mo ito!
Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Walking Through Spiritual Valleys

Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.