Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal Halimbawa

Walking Through Spiritual Valleys

ARAW 1 NG 5

Walang Sinuman ang Hindi Kasama 

Ang panahon ng paghihirap ay pasaporte na nagbibigay sa atin ng permiso na pumunta sa mga lugar na hindi natin pupuntahan kung may ibang paraan. — Levi Lusko

Bilang mga tagasunod ni Cristo, lahat tayo ay dumanas ng nasa tuktok ng bundok sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Kagilagilalas ang mga ito! At kung aaminin natin, gusto nating manatili sa tuktok ng bundok-espirituwal na ito magpakailanman.

Pero napakaliit ng paglagong espirituwal sa bundok. Kadalasang sa lambak natin mararanasan ang higit na malaking pag-unlad. Kahit may pag-usad, maaring ang lambak ay napakadilim. Lahat ng mga bagay na natutunan natin sa panahong madali ay tila naglaho. Ang sinabi nating pananampalatayang walang alinlangan, pinagdududahan natin. Pagkatapos ay magpapatuloy tayo sa ganitong sirkulo ng pakiramdam na malayo sa Diyos at mag-iisip kung kailan kaya ito matatapos.

Maaring may mga tanong ka tungkol sa mga panahong may hamon sa iyong espirituwal na pamumuhay. Sagutin natin ang dalawa sa mga ito. 

Sino ang mga nakakaranas ng mga ito?
Lahat. Ang bawat tagasunod ni Cristo ay nagdaranas ng pagkatuyot sa kanilang espiritu. Hindi ba ganito talaga sila? Tayo ay literal na uhaw at gutom sa kalinga ng Diyos, ngunit hindi natin maramdaman nang kahit kaunti ang Kanyang presensya. Nag-uumpisa tayong magtaka kung bakit pinararamdam Niya ito sa atin o kung totoo nga ba Siya. Kailangan nating maunawaan na hindi tayo ang unang tao na nakaranas ng ganitong mga panahon, at hindi tayo ang magiging huli. 

Bakit tayo nagdadanas ng mga ito?
Maraming mga dahilan. Minsan nagdadanas tayo ng pagkatuyo sa espiritu kapag sinusuway natin ang Diyos. Sa ibang pagkakataon, pinababayaan natin ang paglalaan ng oras sa Diyos kung kaya napapalayo tayo. Nagiging tuyot ang ating buhay espirituwal kung patuloy nating ginagawa ang mga bagay na nagpapakain sa ating makasalanang pagnanasa. Alinman o ang lahat ng ito ay maaaring magdulot ng pagkagutom sa espiritu. 

Hindi rin natin maaring balewalain na hinahayaan ng Diyos ang mga panahong ito para sa Kanyang mga layunin. Kaya Niya tayong kunin mula sa espirituwal na pagkatuyot sa isang pitik lamang, pero hindi Niya ito laging ginagawa. Hindi lamang iyon, kung tutuusin kaya Niya sana itong pigilang mangyari. Hindi natin kayang piliting maunawaan ang perpektong pag-iisip ng ating Diyos. Kailangan lang natin Siyang pagtiwalaan na kung hinayaan Niya tayong maglakad sa lambak ng buhay espirituwal, Siya ay gumagawa sa atin at matutupad lamang kung magsusumikap tayo sa pag-ahon mula sa tila kumunoy na kinalalagyan ng ating espiritu. 

Madalas sa mga panahon ng kadiliman, pinagduduhan natin ang Kanyang pagiging Diyos at kinukwestiyon natin ang Kanyang pag-ibig sa atin. Sa mga madidilim na bahagi na ito ng ating espiritu kailangan nating magtiwala sa kung ano ang alam natin at hindi sa kung ano ang nararamdaman natin. Sa susunod na apat na araw ng Gabay na ito, matututunan natin kung paano mabuhay sa mga panahong may kalungkutan sa ating buhay espirituwal nang may pagpapala at pananampalataya at mahikayat sa mga resulta mula dito. 

Pagnilayan

  • Nahihirapan ka ba sa kung paano mo nakikita ang Diyos dahil sa mga panahong mapanghamon sa espiritu? Kung ganoon, isulat ang isang negatibong bagay na pinaniwalaan mo. Magsaliksik sa Biblia para labanan ang iyong pag-iisip at pagnilayan ang katotohanang ito.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Walking Through Spiritual Valleys

Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.