Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal Halimbawa

Walking Through Spiritual Valleys

ARAW 3 NG 5

Balik sa Pangunahing Kaalaman  

Ang pagtitiwala sa plano ng Diyos ang tanging sikreto na alam ko sa magiliw na sining ng hindi pagkataranta. — Lysa Terkeurst 

Pagkatapos basahin ang unang dalawang araw ng Gabay na ito, sana ay mahikayat ka na ang espirituwal na tagtuyot na pinagdaraanan mo ngayon ay karaniwan sa lahat ng mga tagasunod ni Cristo. Hindi lamang iyon, sana ang malaman na ang ating Tagapagligtas ay nagtiis rin ng mga paghihirap at nakaramdam ng pag-iisa habang narito sa mundo ay makapagbigay sa 'yo ng tulong-espirituwal

Kaya ano ang gagawin natin kung tuyot ang ating espiritu? May mga bagay na maaari nating gawin para tulungan tayong makaahon mula sa pagkasadlak sa hukay ng ating espiritu. Narito ang ilang mga kaisipang maaaring isaalang-alang: 

Sumandal
Ang pinaka-unang dapat nating gawin sa mga panahong mapanghamon ay magpahinga lamang sa Diyos. Siya ang ating pook ng kaligtasan at ang ating kanlungan sa mapinsalang mga unos. Ang Kanyang mga bisig ay may kakayahang hawakan ang ating pinakamalalim na mga pasakit. Kaya sumandal ka lang. Umiyak ka sa Kanya kung gusto mo. Basta tandaan mo na nasa likod mo Siya.

Pananampalataya Muna
Kailangan nating magtiwala kung ano ang sinasabi ng ating pananampalataya at igiit na isantabi muna ang ating nararamdaman. Nasabi na na kadalasan pinaniniwalaan natin ang ating mga pagdududa at pinagdududahan natin ang ating mga paniniwala. Kailangan nating baliktarin ito. Ang pag-alala at pag-angkin sa katotohanan na natutunan natin sa mga panahon ng kasaganaan sa espirituwal nating pamumuhay ang siyang magdadala sa atin sa mga lambak ng pag-aalinlangan na dinadaanan natin. 

Suriin Ang Iyong Mga Impluwensya
Kapag nakikita mo ang sarili mo na may kahungkagan ang espiritu, suriin ano ang iyong pinakamalalaking impluwensya. Ano ba ang pinapanood o pinapakinggan mo? Kanino mo ginugugol ang mga oras mo? Mabuting suriin kung sino at ano ang namumuhunan sa atin, kung kilala natin sila o hindi.

Mga Gawaing Espirituwal
Hindi ba katawa-tawa na ang mga bagay na ayaw nating gawin sa mga panahong natutuyo tayo sa espiritu ay ang mga bagay na kailangan natin para muli tayong mapuno sa espiritu? Tila trabaho ang basahin ang Biblia, manalangin, sumamba, o kahit na ang pagpunta sa simbahan, kaya tumitigil tayo. Kapag ganoon, higit tayong namamayat sa espiritu. Dapat piliin nating mamuhunan sa pagbalik-loob sa ating espiritu kahit na ang damdamin natin ay sumisigaw sa atin na huwag. 

Hindi natin kailanman kailangang kamtin ang pag-ibig at pagtanggap ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Anumang ginagawa natin para manatili sa  landas ng espiritu ay mas nagpapalapit sa atin sa Kanya. Para makaalis sa tagtuyot ng ating espiritu, gawin natin ang mga bagay na ginagawa natin sa panahong malusog ang ating espiritu. Dahil kapag ginawa natin ito, muli tayong mapupuno kalaunan.

Pagnilayan

  • Sa iyong mga panahon ng tagtuyot, ano ang naging papel ng iyong damdamin? Diniktahan ba nito ang panampalataya mo o hinayaan mo ang pananampalataya ang siyang mangibabaw sa damdamin mo?
  • Sa iyong paghihirap sa espirituwal ano ang unang gawaing espirituwal na napapabayaan mo? Mangako sa Diyos na magpapatuloy ka sa pagbibigay ng oras kasama Siya kahit na pakiramdam mo ay malayo Siya.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Walking Through Spiritual Valleys

Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.