Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal Halimbawa

Walking Through Spiritual Valleys

ARAW 4 NG 5

At Nangyari

Minsan kapag nasa madilim na lugar ka, akala mo inilibing ka. Pero ang totoo, itinanim ka. — Christine Caine 

Kung nagbasa ka ng Lumang Tipan, malamang na nabasa mo na ang pahayag na, “at nangyari.” Lumalabas ito ng paulit-ulit, ito man ay nabanggit nang sakluban ng baha ang mundo o nang ibigay ng Diyos ang Lupang Pangako sa mga Israelita. Pansinin na ang pahayag ay hindi “at nanatili.” Ganoon din sa iyong lambak-espirituwal. Hindi ganito hanggang wakas. Lilipas ito.

Pero hanggang sa mangyari ito, narito tayo. At kung ano ang ginagawa natin sa gitna ng pangyayaring ito ang siyang magtatakda ng resulta. Kung nasa panahon tayo na nararamdaman nating malayo tayo sa Diyos, kailangan nating tingnan kung paano tayo ay pinalalago at binabago ng Diyos. Narito ang dalawang produkto ng pagkatuyot sa espiritu. 

Dagdag na Simpatya
Malamang na may nakausap ka na rin na kaibigan na nakaranas ng pagsubok sa espiritu. Maaaring nakapagpagaan ng iyong dalahin ang kanilang ibinahagi at maaring nakapagpasigla sa iyo upang manatili sa tinatahak mo. At dahil sa sarili mong karanasan, ganito rin ang magagawa mo sa iba. Importanteng ibahagi sa iba ang mga bagay na naranasan mo nang sa ganon ay lumakas din ang loob nila. 

Mas Malalim na Pagkagiliw

Kapag may mga paghihirap sa ating daraanan, maaring tumakbo tayo palayo sa Diyos o patungo sa Diyos. Kung tatakbo tayong palayo sa Kanya, hindi natin malalaman kung ano ang gusto Niyang ipakita sa atin sa panahong ito. Pero kung tumakbo tayo patungo sa Kanya, mas higit na makikilala natin Siya, mas marubdob natin Siyang mamahalin at buong-puso natin Siyang pagtitiwalaan. Kung hindi natin kinailangan ng pag-aaliw, hindi natin makikilala kailanman ang Mang-aaliw. 

Kailangan maunawaan natin na hindi natin kayang lampasan alin man sa mga ito gamit ang sariling lakas lang. Sa katunayan, kung kailan natin aminin na tayo ay mahina doon natin nakikita na sagana ang Kanyang kalakasan. Natutuklasan natin ang bagong antas ng kapangyarihan sa ating mga buhay—ang parehong kapangyarihan na nagpabangon kay Kristo mula sa kamatayan ay nasa atin sa lahat ng oras. 

Kahit walang sinuman sa atin ang nananabik sa mga ganitong panahon ng paghihirap, may saganang paglagong espirituwal sa dakong iyon. Maaaring nawalan ka ng trabaho o karelasyon sa buhay mo, at maaring malaking dagok ito sa 'yo. Pero sa sandaling makatawid ka na sa kabilang dako, mapapatingin ka sa nakaraan at makikita kung saan ang Diyos ay nagtatrabaho sa iyo at kung paano ka Niya binabago.

Gustong-gusto nating kumalas mula sa mga pagkatuyot na ito sa espiritu, pero baka mas mabuting yakapin natin ito. Maaari tayong tumingin sa kalalabasan sa hinaharap sa kung ano ang gagawin ng Diyos sa atin at sa pamamagitan natin habang nagtitiwala tayo sa Kanya sa mga panahong ni hindi natin makita ang susunod na hakbang. Gawin pa rin natin ito. Pagliliwanagin Niya ang daan sa sandaling ihakbang natin ang ating paa nang may pananampalataya. 

Pagnilayan

  • Sa paanong paraan nakatulong ang mga panahon ng pagsubok para makita mo nang malawakan kung ano ang inilaan ng Diyos? /li>
  • Anong paghakbang ng pananampalataya ang kailangan mong gawin ngayon na may pag-aalinlangan kang gawin.?
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Walking Through Spiritual Valleys

Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.