Humakbang sa LayuninHalimbawa
Layunin sa Paghihintay
Namumuhay tayo sa henerasyong parang isang "microwave". Ang lahat ay dapat mangyari na ngayon. Hindi tayo makapaghintay, at ang mga resulta ay dapat kagyat. Kagaya ng kung paano natin nakikita ang layunin natin kung minsan.
Maaari nating paniwalaang tinawag tayo ng Diyos sa isang bagay - pangunahan ang libu-libo sa pagsamba, magkaroon ng maunlad na hanapbuhay, at kumita ng daan-libong sweldo, matagpuan ang mahal natin sa buhay at ikasal, libutin ang mundo sa pagtuturo ng ebanghelyo...ang listahan ay patuloy. Walang mali sa paniniwalang ang mga ito ay mangyayari. Gayunpaman, mas madalas na tumatagal at naghihintay tayong makarating sa dakong iyon!
Tinatayang si David ay halos 15 gulang lamang nang buhusan siya ng langis ni Samuel upang maging hari ng Israel, ngunit 30 taong gulang na si David nang siya'y magsimulang maghari (2 Samuel 5:4)! Sa mga taon na iyon ng paghihintay, inihanda ng Diyos si David upang maging hari. Doon sa ilang natutunan ni David ang ilan sa mga pinakamahahalagang natutunan niya sa buhay, kung saan ang tangi niya lamang aasahan ay ang Diyos.
Sa pag-aaral ng Mga Awit ay binibigyan tayo ng kabatiran sa pinagdaanang kalungkutan ni David, ang kanyang mga iniluha, gayundin ang sa kung paano niya natutunan ang katapatan ng Diyos, ang dakila Niyang pag-ibig at kung paano nahanap ni David ang kanyang lakas at kanlungan sa Kanya. Basahin ang Mga Awit 25. Sa pagdanas ng mga ito hinubog si David sa pagiging dakila, banal na taong hinirang ng Diyos upang maging hari ng Israel.
Kagaya lamang ni David, ang paghihintay ay panahon lamang na maaaring hindi magiging madali, ngunit panahon ito ng paghahanda sa atin ng Diyos para sa lahat ng kinabukasan sa paghakbang natin sa lahat ng mayroon Siya para sa atin! Maging panatag na ang Diyos ay kasama mo sa pagsulong mo sa dakilang mga bagay na inimbak ng Diyos para sa iyo.
Isinulat ni Joshua Sijl
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buhay. Pakay nating sagutin ang ilan sa mga katanungang ito sa pagbuklat natin sa kung ano ang unang hakbang patungo sa iyong layunin. Makiisa sa ilan sa aming mga mag-aaral ng C3 College sa kanilang pagbibigay kalinawan sa usaping ito.
More