Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Humakbang sa LayuninHalimbawa

Step into Purpose

ARAW 3 NG 5

Isang Pinasimpleng Layunin

Ang ideya ng “layunin” ay isang bagay na medyo ikinalilito ko patungkol sa paglago sa iglesiya. 

Paano ako nais gamitin ng Diyos? Kailan ko ito matutuklasan? Ano ang dapat kong gawin bago iyon? Madalas kong tanungin ang aking sarili ng mga ganitong katanungan at hahantong ako sa kawalan at panghihina ng loob. 

Naging palagian ko itong pakikibaka hanggang isang araw ay natagpuan ko ang isang salita sa banal na kasulatan na buong katapatang nagpabago sa aking buhay - “Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa niyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.” (1 Mga Taga-Corinto 10:31)

Itinakda ang pahayag. 

Oo, idinetalye ng Diyos ang natatanging mga plano Niya para sa bawat isa sa atin. Oo, ang iyong layunin ay naiiba sa layunin ng lahat. Ngunit ang lahat ng ito ay umiiral para sa isang malawig, sama-sama at tunay na layunin: ang bigyang karangalan ang Diyos.

Hindi naghahangad ang Diyos ng pagbubunsad ng sarili! Ang kanyang pagtawag sa pagpaparangal ay galing sa dakilang pag-ibig Niya sa atin. Alam Niya na kung mapagtanto natin ang Kanyang kabutihan at maging dahilan ng pagpapahalaga sa Kanya, natatanggap natin ang kahayagan at nagsisimula nating maunawaan ang Kanyang pag-ibig nang mas malalim. Ang pag-ibig na ito ay nakapagpapabago sa lahat.

Tayo ay mahal ng Diyos, luwalhatiin man natin Siya o hindi, ngunit ang Kanyang nais ay para malaman natin ang kabuuan ng Kanyang pag-ibig. Sa Diyos ang lahat ng kapurihan! Ito ang ating layunin.

 

Isinulat ni Hannah White

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Step into Purpose

Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buhay. Pakay nating sagutin ang ilan sa mga katanungang ito sa pagbuklat natin sa kung ano ang unang hakbang patungo sa iyong layunin. Makiisa sa ilan sa aming mga mag-aaral ng C3 College sa kanilang pagbibigay kalinawan sa usaping ito.

More

Nais naming pasalamatan ang C3 Church Sydney Pty Ltd sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.c3college.com/