Humakbang sa LayuninHalimbawa
Hakbang sa Layunin sa Pamamagitan ng Walang pag-iimbot na Paglilingkod
Tinawag ni Pablo ang mga taga-Galacia na mamuhay nang walang pag-iimbot sa pagiging bukaspalad na sasalungat sa makasariling mundo. Ang kalayaang natanggap natin kay Cristo ay hindi lisensya para sa pansariling ambisyon, sa halip, isang oportunidad na maparangalan ang Diyos at paglingkuran ang iba nang may pag-ibig. (Tingnan ang Mga Taga-Galacia 5:13).
Maaari nating tingnan si Jesus bilang isang perpektong halimbawa ng isang humakbang sa Kanyang layunin sa pamamagitan nang walang pag-iimbot na paglilingkod. Sa Kanyang pagiging tao, alam Niya ang kabayaran ng walang pag-iimbot na paglilingkod nang Kanyang sabihin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap”. Bagama't natagpuan natin si Jesus nang gawin niya ang pinakadakilang walang pag-iimbot na paglilingkod nang sabihin din Niyang, “Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari”. Siya'y namatay upang tayo ay makahakbang sa ating layunin. Siya ay namatay upang matulungan din natin ang ibang gawin ang kagaya noon. (Tingnan ang Mateo 26:39).
Sa iyong pananalangin, hilingin sa Panginoon na ipahayag sa iyo ang sitwasyon kung saan ikaw ay makapaglilingkod sa iba nang may pag-ibig. Maaari mong makita ang iyong sarili na naglilingkod sa iglesiya o sa trabaho. Anuman ang iyong ginagawa, gawin mo lahat sa Panginoon para sa pag-ibig at kalayaang ibinigay na Niya sa iyo.
Isinulat ni Chenaniah Darma
Kung nais mo pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga C3 College, maaaring pindutin ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buhay. Pakay nating sagutin ang ilan sa mga katanungang ito sa pagbuklat natin sa kung ano ang unang hakbang patungo sa iyong layunin. Makiisa sa ilan sa aming mga mag-aaral ng C3 College sa kanilang pagbibigay kalinawan sa usaping ito.
More