Humakbang sa LayuninHalimbawa
Pagiging Matiyaga sa Pananampalataya
Maraming naging mahuhusay na mga bayani ang dumating bago pa man sa atin, humakbang patungo sa kanilang layunin upang magbigay ng pagkakaiba, hinugis ang mundong alam natin ngayon.
Mga pangalang kagaya nina Nelson Mandela, Mother Teresa, kahit si Bethany Hamilton (na sa kabila ng kanyang kakulangang pisikal ay hindi sumuko sa kanyang layunin at pagkatawag).
Maaari tayong matuto mula sa mahuhusay na pinunong ito, at mayroong maraming katangian ang nagpatanyag sa kanila bilang mga bayani. Gayunpaman, nais kong tumuon sa isang katangiang mayroon ang tatlong nilalang na ito, na mahalaga sa ‘Paghakbang sa Layunin’, - at iyon ay ang pagiging matiyaga sa pananampalataya!
Ang pagiging matiyaga ay maaaring mahirap gawin sa mundong puno ng negatibo - lalo't higit sa Cristianismo at sa Diyos. Ngunit isang bagay ang maaari mong masigurado na ang Diyos ay parating nasa tabi mo! Kung tinawag ka ng ating Manlilikha at binuo ang iyong layunin, ang nais Niya'y maabot mo ito. Maaaring mukha itong mas malaki para sa iyo… at alam mo ba, OO! Ngunit hayaan mong himukin kita sa pamamagitan ng salaysay kung paanong si Jeremias ay naging propeta at kung paano siya tinawag ng Diyos.
Sa Jeremias talata 1 (bilang buod), makikita nating tinawag ng Diyos si Jeremias upang maging propeta hindi lamang para sa sarili niyang bayan kundi SA MGA BANSA - nakatatakot na tungkulin hindi ba? Ngunit paulit-ulit na ang Diyos ay nagtitiyak at nagbibigay kay Jeremias para sa kanyang layunin (Jer. 1:9-14). Sa totoo lang, nabigatan si Jeremias pagdating sa kanyang layunin, ngunit ipinangako ng Diyos kay Jeremias na hindi Niya ito iiwan, ni pababayaan.
Sa mensaheng ito tayo magkakaroon ng labis na katiyakang nais ng Diyos na maabot natin ang ating layunin, kahit na ang mga tungkulin ay tila mahirap. Maaari nating tingnan ang pagsusumikap ni Jeremias upang magtagumpay sa Diyos! Hindi magagalaw ng kaaway ang sinumang itinalaga ng Diyos, malibang pinayagan natin ito. Tinawag ka ng Diyos upang magtagumpay sa iyong layunin dahil Siya ay naniniwala sa iyo at nilikha kang natatangi para sa doon. Siya ay kasama mo at ang buong langit ay nasa likod mo! Kaya't maging handa ka, manatili sa pagsulong at huwag pakinggan ang kasinungalingan at paninira ng loob ng kaaway. Pagtitiyaga ang susi upang makita ang layuning mula sa Diyos na mabigyang buhay!
Ikaw, na ngayon ay nagbabasa nito, ay makakaya at magiging bayani na kailangan ng mundong ito, kaya't lakasan ang loob at pakinggan ang pangakong ibinigay kay Jeremias ng Diyos - "'Kakalabanin ka nila ngunit hindi sila magtatagumpay, hindi ka nila matatalo sapagkat iingatan kita,' akong si Yahweh ang nagsasabi nito.” (Jer. 1:19)
Isinulat ni Ashleigh Meyer
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buhay. Pakay nating sagutin ang ilan sa mga katanungang ito sa pagbuklat natin sa kung ano ang unang hakbang patungo sa iyong layunin. Makiisa sa ilan sa aming mga mag-aaral ng C3 College sa kanilang pagbibigay kalinawan sa usaping ito.
More