Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

ARAW 6 NG 7

Ang Iyong Orihinal na Paghirang 

Ikaw ay katangi-tanging nilalang, hinirang at itinalaga ng Diyos para sa Kanyang mga layunin at para sa iyong oras at kapanahunan. "Maging mahaba at matatag nawa ang iyong pamumuhay” (Deuteronomio 33:25). Sa halip na mangamba kung ano ang wala ka, pagtuunan ang mayroon ka, humakbang sa pananampalataya at masdan kung paanong gagawa ang Diyos sa pamamagitan mo. Sa araw ng Pentecostes, ang 120 ay hindi nanawagan para sa dobleng paghirang. Pansinin: WALANG UMALIS NG SILID SA ITAAS NA MAY DALAWANG APOY SA KANILANG ULO. "Isa lang ang dumapo sa bawat isa sa kanila" (Mga Gawa 2:3). Subalit ang isang apoy na ito ay kumakatawan sa buong apoy ng Diyos—ang karapatan, kapangyarihan, at kaluwalhatian nito. 

Kapag naglalakbay ako sa mundo, madalas na hiling sa akin, "Ipanalangin mo ako, nais ko ang iyong paghirang." Ang aking balik na tanong? Sa palagay mo ba, kung ibigay ko sa iyo ang aking paghirang, uuwi akong wala nito? Tiyak na hindi. Subalit ito ang nakamamanghang lihim. Kung makuha mo ang paghirang ni Reinhard Bonnke ikaw ay magiging kawangis ni Bonnke. At sasabihin ko sa iyo: Sa ganang akin, ayaw ko na maging kopya ng isang kopya—at hindi rin iyan nais ng Diyos para sa iyo.

Kung nais mong malaman ang isang bagay ukol sa katauhan ng Diyos, isipin na lang ang kalikasan. Mahigit 7.5 bilyong tao ay hindi pareho ang tatak-daliri at walang dalawang dahon ng kahit anong puno ang pareho ng kayarian. Bakit? Dahil ang Diyos ay hindi nangongopya—Siya ay Manlilikha. Lumilkha lamang Siya ng MGA ORIHINAL at hindi gumagamit ng makinang pangkopya. Ang apoy sa iyong ulo ay napakapersonal na nakalagay dito ang iyong pangalan. Ito ay pasadya para lamang sa iyo. Hindi ito aakma kanino pa man. Walang sinuman sa mundo ang makapaglilingkod sa Diyos na eksaktong katulad mo. Ikaw ay pambihira—at ganoon din ang iyong pagkahirang!


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of Power on the Holy Spirit. Ang 7-Araw na Pag-aaral na ito ay hahamon sa iyong isipan ukol sa Banal na Espiritu at magbibigay inspirasyon na maniwala sa kamangha-manghang kapangyarihan ng Espiritu na nasa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang CfaN Christ For All Nations sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://shopus.cfan.org/collections/reinhard-bonnke/products/holy-spirit-are-we-flammable-or-fireproof-english