Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa
Kapangyarihan, ang diwa ng Patotoo ng Cristiano
Ako ay nagulat nang nabasa ko ang Marcos 16:8 na ang mga alagad, bago umakyat si Jesus sa langit, ay hindi naniwala. Ang katulad na hindi paniniwala ay matatagpuan sa Marcos 16:11. At sa susunod na dalawang talata sa talatang 13, ang kaparehong apat na salita– hindi rin sila nagsipaniwala. Muli, sa talatang 14, ang katulad na apat na salita–hindi rin sila nagsipaniwala. Subalit, ang nagpamangha sa akin nang lubos ay ang katotohanan na sa susunod na talata, talatang 15, sinabi ni Jesus sa mga hindi naniniwala at natatakot na mananampalataya, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita."
Kung naroroon ako, hayaan ninyong sabihin ko ito, nilapitan ko sana si Jesus at mula sa likuran ay ibinulong ko sa Kanyang tainga, “Maestro, Panginoon, hindi ba Ninyo alam na ang mga alagad na binigyan mo ng Kataas-taasang Atas ay lipon ng mga hindi naniniwala? Hindi nila magagawa iyon." Sa aking palagay lilingunin ako ni Jesus, ilalagay ang Kanyang daliri sa Kanyang labi at sasabihin sa akin nang mahina, “Bonnke, hindi mo alam na Ako ay mayroong lihim.”
Ano ang lihim? Sa talatang 20, mababasa natin, "Sumunod nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa kanila.” Ano ang nangyari sa pagitan ng talatang 14 at talatang 20? Ayon sa pagkasunud-sunod, ang Mga Gawa Kabanata 2 ay nagkaroon ng kaganapan. Ang mga alagad ay umalis nang may kahinaan at dumating nang may kapangyarihan na gawin kung ano ang iniutos ni Jesus na kanilang isakatuparan: "Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig." (Mga Gawa 1:8). Sa gayunding kaparaanan, maaari nating iwanan ang kahinaan at humakbang patungo sa walang-hanggang kapangyarihan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of Power on the Holy Spirit. Ang 7-Araw na Pag-aaral na ito ay hahamon sa iyong isipan ukol sa Banal na Espiritu at magbibigay inspirasyon na maniwala sa kamangha-manghang kapangyarihan ng Espiritu na nasa iyo.
More