Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Tayo ay hindi sapat sa ating sarili
Tayo ay dinsenyo na umaasa sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos. Kung tayo'y hiwalay sa Kanya, wala tayong magagawa (Juan 15:5). Ang ating kasapatan ay sa Kanya (2 Mga Taga-Corinto 3:5). Ang Diyos ang naglalagay ng Espiritu sa atin, dahil kailangan natin Siya upang mang-aliw, pumatnubay at magtama sa atin. Pinapagana Niya ang kanyang mga kaloob at kapangyarihan sa atin dahil kailangan natin ito para sa Kanyang misyon–espirituwal na kasangkapan para sa espirituwal na gawain.
Tayo ay hindi mag-isang itinatag na may kabuuang-halaga ng espirituwal na puhunan at mga kapangyarihang yaman upang tayo ay makapagsarili. Tayo ay hindi maliliit na "mga cristo" na may kasapatan sa sarili. Nakakatanggap tayo, palagi, "mula sa" kaganapan ni Cristo ng ating kaganapan, katulad ng mga sanga ng ubas na tumatanggap ng katas. Tayo ay hindi mga ubas sa ating sarili, namumuhay nang hiwalay, kundi tayo ay ganap sa Kanya (Mga Taga-Colosas 2:10).
Tayo ay hindi tinawag upang libutin ang buong mundo kalakip ang ating maliit na planta ng kapangyarihan upang isipin ng mga tao kung gaano tayo kagaling. Maaari nating iparada ang ating sariling karisma at hayaang ang mga kislap ay lumipad sa loob ng isang oras; subalit di magtatagal ang ating personal na planta ng kapangyarihan ay mawawalan ng panggatong. Tayo ay hindi ang pinagmulan; tayo ay daluyan lamang ng Kanyang kapangyarihan. Ang Mga Taga-Efeso 1:22 at 23 ay naglalarawan: "... Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay." Siya ay magpupuno at kikilos sa pamamagitan natin. Tayo ay daluyan at hindi ang pinagmulan. Sinabi ni Jesus, "Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin" (Juan 15:4).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of Power on the Holy Spirit. Ang 7-Araw na Pag-aaral na ito ay hahamon sa iyong isipan ukol sa Banal na Espiritu at magbibigay inspirasyon na maniwala sa kamangha-manghang kapangyarihan ng Espiritu na nasa iyo.
More