Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

ARAW 4 NG 7

Ito ay para sa Lahat

Ang Banal na Espiritu ay hindi naipapamahagi sa pamamagitan ng loterya, na may mga iilang taong napipili na makakatanggap. Ito ay hindi laro ng pakikipagsapalaran. Walang mga nananalo o natatalo. Yaong mga tinawag ng Diyos, ay binibigyan Niya ng mga kakailanganin. Mayroong mas higit na kapangyarihan upang maglibot. Walang maiiwan, at walang makakakuha ng mga tira-tira. Huwag mong hadlangan ang iyong sarili samantalang ikaw ay tinanggap na.

Ang Banal na Kasulatan ay malinaw at walang kalabuan. Ang bautismo sa Banal na Espiritu ay hindi lamang para sa iilang "mga paborito ng Diyos." Hindi, ang Diyos ay walang "paborito." Sa katunayan, tayong lahat ay Kanyang mga paborito. Sa Araw ng Pentecostes, 120 lalaki at babae ang nasa Silid sa Itaas sa Jerusalem, at nabasa natin sa Mga Gawa 2:3 at 4, "May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo..." Ito ay hindi nagkataon lamang at hindi loterya! "Bawat isa" sa 120 ay tumanggap at "lahat" ay nangapuspos. Ang kanilang kasarian ay hindi isinaalang-alang, maging ang kanilang edad o lahi o kalagayan sa buhay. 

Mayroon sa langit na maaaring nagbilang ng mga ulo, dahil isang apoy ang dumapo "sa bawat isa sa kanila." Kung ikaw ay may ulo, ang Diyos ay may apoy para sa iyo. Ngayon, kasama ka sa Kanyang bilang. "tatanggap kayo ng kapangyarihan..." (Mga Gawa 1:8). Isip-isipin mo, ang iyong ulo ay naging palababaan para sa apoy ng Banal na Espiritu. Siya ay dumadapo at nananatili–hindi na muling aalis.

Ang bawat isa sa 120 alagad na nasa silid sa itaas sa Araw ng Pentecostes ay tumanggap ng bautismo ng Banal na Espiritu. Walang naiwan. Ito ay hindi lamang para sa 12 alagad na kilala natin o yaong mga lumakad na kasama ni Jesus. Mayroong mga walang pangalan na nakatanggap din. Hindi sila mga tanyag, ngunit sila ay tapat. Sila ay nagpakita sa Silid sa Itaas at naghintay ng pangako. Ang Banal na Espiritu ay dumating para sa lahat, at ang liyab ng apoy ay dumapo sa kanilang mga ulo—120 apoy para sa 120 na mga tapat. Kung ikaw ay magpapakita, ikaw ay magkakaroon ng apoy ng kapangyarihan para sa iyong gawain.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of Power on the Holy Spirit. Ang 7-Araw na Pag-aaral na ito ay hahamon sa iyong isipan ukol sa Banal na Espiritu at magbibigay inspirasyon na maniwala sa kamangha-manghang kapangyarihan ng Espiritu na nasa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang CfaN Christ For All Nations sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://shopus.cfan.org/collections/reinhard-bonnke/products/holy-spirit-are-we-flammable-or-fireproof-english