Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

ARAW 3 NG 7

Ang Apoy ng Diyos kay Jesus

Sa ilan, ito ay lugar sa pagsamba. Sa iba, ito ay lugar ng negosyo upang gumawa ng ikabubuhay sa anumang paraan na kinakailangan. Subalit sa Anak, ito ay Tahanan ng Kanyang Ama–ang banal na tuntungan at lugar ng dalanginan para sa kaligtasan, kagalingan, at pagliligtas ng mga bansa. Kaya, pinaghahagupit ang mga namamalit ng salapi, mga magnanakaw at nananamantala, na nagpuyos ng galit sa mga Pariseo at naglagay sa panganib ng Kanyang mismong buhay. Subalit dahil nakasalalay ang karangalan ng Kanyang Ama at nanganganib ang kaligtasan ng mga bansa, tinawanan Niya ang kamatayan sapagkat ito ay sulit. Sa krus, Siya ay tutungo, kung kinakailangan, O, anong sidhi ng damdamin!

Sa karanasan ng tao, ang apoy ng Diyos ay maisasalin sa silakbo ng damdamin—ang uri ng malasakit na nakita natin kay Jesus. Maaaring hindi lamang sa Kanyang mga salita ang sidhi ng Kanyang damdamin. Nang si Jesus ay pumunta sa Jerusalem sa huling pagkakataon, nabasa natin na Siya ay naglakad nang nauuna sa Kanyang mga alagad. Nakita nila kung paanong hinimok Niya ang Kanyang Sarili na magpatuloy (Marcos 10:32). Bakit? Kahit papaano, ang apoy na nasa Kanyang kaluluwa ay nakikita sa paraang ng Kanyang paglakad.

Nang sila ay dumating, nakita ni Jesus ang paglapastangan sa templo. Ang mga alagad ay mayroong karagdagang patunay ng Kanyang marubdob na damdamin. Ginawa Siyang kamangha-manghang anyo ng Kanyang reaksyon. Naalala ng mga alagad ang mga kataga sa Mga Awit 66:9: "Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban..." Ngunit ito ay galit na nagmumula sa pag-ibig, hindi malamig na galit. Si Jesus ay hindi isang panatiko na nanggugulo. Mahal Niya ang tahanan ng Kanyang Ama, yun lang iyon. Ang naisin Niya na makita ang mga tao sa templo, na sumasamba na may kalayaan at kagalakan. Subalit sinira ang lahat ng ito ng mga kalakalan sa templo. Ang Kanyang puso ay napunong katulad ng bulkan. Ang apoy ng Banal na Espiritu sa Kanyang kaluluwa ang nagtulak sa Kanya na linisin ang templo. 

Ang mga bata, ang bulag at ang lumpo ay nanatili, at sila ay pinagaling Niya (Mateo 21:14-16). Ninanais Niya namang gawin ito, at ito ang dahilan kaya't ang Kanyang galit ay naglagablab na parang pugon. Ang Kanyang galit ay naglalayon na magdulot ng kagalakan. Siya ay nagtagumpay—ang mga bata sa katapusan ay umaawit "Hosana!" 

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of Power on the Holy Spirit. Ang 7-Araw na Pag-aaral na ito ay hahamon sa iyong isipan ukol sa Banal na Espiritu at magbibigay inspirasyon na maniwala sa kamangha-manghang kapangyarihan ng Espiritu na nasa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang CfaN Christ For All Nations sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://shopus.cfan.org/collections/reinhard-bonnke/products/holy-spirit-are-we-flammable-or-fireproof-english