Bakit Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
Anong kailangan nating gawin?
Maliwanag sa Bagong Tipan na may kailangan tayong gawin upang tanggapin ang kaloob na iniaalok ng Diyos. Ito ang pagpapakita ng pananampalataya. Isinulat ni Juan na 'Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan' (Juan 3:16).
Ang paniniwala ay may nakapaloob na pagpapakita ng pananampalataya, batay sa lahat ng nalalaman natin tungkol kay Jesus. Hindi ito bulag na pananampalataya. Ito ay ang paglalagay ng ating tiwala sa isang Tao. Kung titingnan natin, ito ay tulad ng hakbang ng pananampalataya na ginagawa ng ikakasal na babae o lalaki kapag nagsabi sila ng "Opo, tinatanggap ko siya' sa araw ng kanilang kasal.
Ang paraan kung paano ginagawa ng mga tao ang hakbang ng pananamapalatayang ito ay nagkakaiba-iba, ngunit gusto kong ilarawan sa iyo ang isang paraan kung paano mo magagawa ang hakbang ng pananampalatayang ito ngayon. Ito ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng tatlong napakasimpleng mga salita:
'Patawad'
Kailangan mong hilingin sa Diyos na patawarin ka sa lahat ng mga pagkakamaling ginawa mo at talikuran ang lahat ng mga maling bagay sa buhay mo. Ito ang ibig sabihin ng 'pagsisisi' sa Biblia.
'Salamat'
Naniniwala tayong namatay si Jesus sa krus para sa atin. Kailangang pasalamatan mo Siya sa Kanyang pagkamatay para sa iyo at para sa pag-aalok ng Kanyang walang bayad na kaloob ng kapatawaran, kalayaan at ang Kanyang Espiritu Santo.
'Pakiusap'
Hindi kailanman ipipilit ng Diyos ang Kanyang pamamaraan sa ating buhay. Kailangan mong tanggapin ang Kanyang kaloob at anyayahan Siya na pumasok at manahan sa ating buhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Kung nais mong magkaroon ng relasyon sa Diyos at handa kang sabihin ang tatlong bagay na ito, narito ang isang napakasimpleng panalangin na maaari mong gawin at siyang magiging simula ng relasyong ito:
Panginoong Jesu-Cristo,
Humihingi ako ng tawad sa mga maling ginawa ko sa aking buhay (gumugol ng ilang sandali upang humingi ng Kanyang kapatawaran para sa anumang bagay na nasa iyong konsensya). Nakikiusap akong patawarin mo ako, Tinatalikuran ko na ang lahat ng mga bagay na alam kong mali.
Salamat na namatay ka sa krus para sa akin upang ako ay mapatawad at makalaya.
Salamat sa pag-aalok mo sa akin ng kapatawaran at sa kaloob ng iyong Espiritu Santo.Tinatanggap ko ngayon ang kaloob na iyan.
Pumasok ka sa buhay ko sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo na siyang makakasama ko habambuhay.
Salamat, Panginoong Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano bang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay? Bakit napakalaki ng interes sa nilalang na isinilang 2,000 taon na ang nakalipas? Bakit napakaraming taong nasasabik kay Jesus? Bakit kailangan natin Siya? Bakit Siya naparito? Bakit Siya namatay? Bakit pinagkakaabalahan ng sinuman ang malaman ito? Sa 5-araw na gabay na ito, ibinahagi ni Nicky Gumbel ang mga napakahahalagang kasagutan sa mga katanungang ito.
More