Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa

Why Easter?

ARAW 2 NG 5

Bakit Siya naparito, at bakit Siya namatay? 

Si Jesus ang tanging nilalang na piniling mabuhay Siya, at Siya ay iisa sa iilang nilalang na pinili ang mamatay. Sinabi Niyang ang ganap na kadahilanan sa Kanyang pagparito ay upang mamatay para sa atin. Naparito Siya 'upang ialay ang Kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami' (Marcos 10:45).

Sinabi ni Jesus na namatay Siya 'para' sa atin. Ang salitang 'para' ay nangangahulugang 'sa halip na'. Ginawa Niya iyon dahil mahal Niya tayo at hindi Niya gustong tayo ang magbayad sa kaparusahan ng lahat ng mga maling bagay na ating ginawa. Sa krus, sinasabi Niyang, 'Ako na ang aako sa mga bagay na iyon.' Ginawa Niya iyon para sa iyo, at ginawa Niya iyon para sa akin. Kung ikaw o ako ang tanging nilalang na narito sa mundo, gagawin pa rin Niya ito para sa atin. Isinulat ni Apostol Pablo na, 'ang Anak ng Diyos, na umibig sa akin, at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin' (Mga Taga-Galacia 2:20). Dahil sa Kanyang pag-ibig sa atin kaya ibinigay Niya ang Kanyang buhay bilang katubusan.

Ang salitang 'katubusan' ay nagmula sa bentahan ng mga alipin. Ang isang mabuting tao ay maaaring bumili ng alipin at pagkatapos ay palayain ito—ngunit kailangan munang bayaran ang halaga ng pagtubos. Binayaran ni Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa krus, ang halaga ng pagtubos upang tayo ay palayain.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Why Easter?

Ano bang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay? Bakit napakalaki ng interes sa nilalang na isinilang 2,000 taon na ang nakalipas? Bakit napakaraming taong nasasabik kay Jesus? Bakit kailangan natin Siya? Bakit Siya naparito? Bakit Siya namatay? Bakit pinagkakaabalahan ng sinuman ang malaman ito? Sa 5-araw na gabay na ito, ibinahagi ni Nicky Gumbel ang mga napakahahalagang kasagutan sa mga katanungang ito.

More

Nais naming pasalamatan sina Alpha at Nicky Gumbel sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://alpha.org/