Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa

Why Easter?

ARAW 4 NG 5

Kalayaan mula sa anong bagay? 

Wala na sa pisikal na kaanyuan si Jesus dito sa daigdig, ngunit hindi Niya tayo iniwang nag-iisa. Ipinadala Niya ang Espiritu Santo upang makasama natin. Kapag ang Kanyang Espiritu Santo ay nananahan sa atin, binibigyan Niya tayo ng bagong kalayaan.

Ang kalayaang makilala ang Diyos

Ang mga maling bagay na ginagawa natin ay nagiging dahilan upang magkaroon ng harang sa pagitan natin at ng Diyos: 'ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos' (Isaias 59:2). Nang mamatay si Jesus sa krus, tinanggal Niya ang harang na nasa pagitan natin at ng Diyos. Bunga nito, maaari na tayong magkaroon ng ugnayan sa ating Manlilikha. Tayo ay naging mga anak Niya. Tinitiyak ng Espiritu Santo ang ugnayang ito, at tinutulungan Niya tayo upang mas lalo pa nating makilala ang Diyos. Tinutulungan Niya tayong manalangin at maunawaan ang salita ng Diyos (ang Biblia).

Kalayaang magmahal

'Tayo'y umiibig sa Diyos. sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin' (1Juan 4:19). Habang pinagmamasdan natin ang krus, nauunawaan nating ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa atin, nararanasan natin ang pag-ibig na iyon. Habang nararanasan natin iyon, nakakatanggap tayo ng bagong pag-ibig para sa Diyos at para sa kapwa natin. Tayo ay nagkakaroon ng kalayaang mamuhay ng isang buhay ng pagmamahal — isang buhay na nakasentro sa pagmamahal at paglilingkod kay Jesus at pagmamahal at paglilingkod sa ibang tao sa halip na isang buhay na nakasentro sa ating mga sarili.

Kalayaan upang magbago

Sinasabi minsan ng mga tao na, 'Ikaw ay ikaw. Hindi ka na magbabago.' Isang mabuting balita na sa tulong ng Espiritu Santo, maaari tayong magbago. Binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kalayaang ipamuhay ang uri ng buhay na sa kaibuturan natin ay siyang ninanais nating ipamuhay. Sinasabi ni Apostol Pablo sa atin na ang bunga ng Espiritu Santo ay 'pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili' (Mga Taga-Galacia 5:22-23). Kapag hinihiling natin sa Espiritu ng Diyos na pumarito at manahan sa atin, ang napakagagandang katangiang ito ay mamumunga sa ating mga buhay.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Why Easter?

Ano bang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay? Bakit napakalaki ng interes sa nilalang na isinilang 2,000 taon na ang nakalipas? Bakit napakaraming taong nasasabik kay Jesus? Bakit kailangan natin Siya? Bakit Siya naparito? Bakit Siya namatay? Bakit pinagkakaabalahan ng sinuman ang malaman ito? Sa 5-araw na gabay na ito, ibinahagi ni Nicky Gumbel ang mga napakahahalagang kasagutan sa mga katanungang ito.

More

Nais naming pasalamatan sina Alpha at Nicky Gumbel sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://alpha.org/