Bakit Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
![Why Easter?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14896%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Kalayaan mula sa anong bagay?
Binayaran ni Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa krus, ang halagang pantubos upang tayo ay palayain.
Palayain mula sa pagkabagabag ng ating konsensya.
Nakakaramdam man tayo ng pagkabagabag o hindi, lahat tayo ay nagkasala sa harapan ng Diyos dahil sa napakaraming beses na sinuway natin ang Kanyang mga utos sa ating isipan, sa salita at sa gawa. Tulad din ng kapag ang isang tao ay may nagawang krimen, may kaparusahang kailangang bayaran, may kaparusahan din sa pagsuway sa utos ng Diyos. 'Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan' (Mga Taga-Roma 6:23).
Ang bunga ng mga maling bagay na ating ginagawa ay espirituwal na kamatayan—ang mapahiwalay sa Diyos habambuhay. Nararapat nating pagdusahan ang kaparusahang iyon. Sa krus, kinuha ni Jesus ang kaparusahan upang tayo ay ganap na mapatawad at mapawi ang ating kasalanan.
Kalayaan mula sa pagkagumon.
Sinabi ni Jesus na 'ang namumuhay sa kasalanan ay alipin ng kasalanan' (Juan 8:34). Namatay si Jesus upang palayain tayo mula sa pagkakaaliping iyon. Sa krus, ang kapangyarihan ng pagkagumon ay nawasak na. Bagama't maaari tayong magkamali paminsan-minsan, ang kapangyarihan ng pagkagumon ay nawasak na noong pinalaya tayo ni Jesus.
Kalayaan mula sa takot
Naparito si Jesus upang 'sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay mawasak Niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. At pinalaya Niya ang lahat ng tao na habang panaho'y inalipin ng takot sa kamatayan' (Mga Hebreo 2:14-15). Hindi na natin kailangang katakutan ang kamatayan.
Ang kamatayan ay hindi ang katapusan para sa mga pinalaya ni Jesus. Sa halip ito ang daan patungo sa langit, kung saan tayo ay magiging malaya maging sa presensya ng kasalanan. Kapag tayo ay pinalaya ni Jesus mula sa takot sa kamatayan, pinalalaya na rin Niya tayo mula sa lahat ng takot.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Why Easter?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14896%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ano bang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay? Bakit napakalaki ng interes sa nilalang na isinilang 2,000 taon na ang nakalipas? Bakit napakaraming taong nasasabik kay Jesus? Bakit kailangan natin Siya? Bakit Siya naparito? Bakit Siya namatay? Bakit pinagkakaabalahan ng sinuman ang malaman ito? Sa 5-araw na gabay na ito, ibinahagi ni Nicky Gumbel ang mga napakahahalagang kasagutan sa mga katanungang ito.
More