Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa

Why Easter?

ARAW 1 NG 5

Bakit kailangan natin si Jesus? 

Ikaw at ako ay nilikha upang mabuhay na may kaugnayan sa Diyos. Hanggang hindi natin natatagpuan ang kaugnayang iyon, laging may kulang sa ating mga buhay. Bunga nito, batid natin na may puwang. Isang mang-aawit ng rock ang naglarawan nito sa pamamagitan ng pagsasabing, 'May kahungkagan ako sa kaloob-looban ko.'

Isang babae, sa kanyang sulat sa akin, ay isinulat ang 'napakalalim na kahungkagan.' Ang sabi naman ng isang babae ay 'isang tipak na nawawala sa kanyang kaluluwa.'

Sinusubukan ng mga taong punuan ang kahungkagang ito sa iba't-ibang pamamaraan.Ang iba ay sinusubukan punuan ang puwang sa pamamagitan ng salapi, ngunit hindi ito nakapagbibigay ng kasiyahan. Si Aristotle Onassis, isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo, ang nagsabi sa katapusan ng buhay niya: 'Ang mga milyon na mayroon ang isang tao ay hindi laging nakapagbibigay ng mga kailangan ng isang tao sa buhay niya.'

Ang iba ay sinusubukan ang droga o paglalasing o pagkagahaman sa pakikipagtalik. Isang babae ang nagsabi sa akin, 'Ang mga bagay na ito ay nagbibigay ng kagyat na kasiyahan ngunit pagkatapos ay makakaramdam ka ng kahungkagan.' Ang iba naman ay susubukang magtrabaho nang walang humpay, mapahilig sa musika, sa paglalaro o kaya ay hanapin ang tagumpay. Maaaring wala namang mali sa mga ito, ngunit hindi nito natutugunan ang kagutuman sa kaloob-looban ng bawat nilalang.

Maging ang pinakamalapit na pakikipag-ugnayan ng mga tao sa kapwa nila, gaano man ito kaganda, ay hindi nakatutugon sa 'kahungkagang ito sa kaloob-looban.' Walang makapupuno sa puwang na ito maliban sa pakikipag-ugnayan sa Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha.

Ayon sa Bagong Tipan, ang dahilan sa kahungkagang ito ay dahil tinalikuran ng mga tao ang Diyos.

Sinabi ni Jesus, 'Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay' (Juan 6:35). Siya lamang ang makakatugon sa ating pinakamalalim na kagutuman dahil ginagawa Niyang posible na ang ating kaugnayan sa Diyos ay manumbalik.

a) Tinutugunan Niya ang ating kagutuman para sa kahulugan at layunin ng ating buhay

Tanging sa pagkakaroon lamang ng pakikipag-ugnayan sa Maylikha tayo makakatagpo ng tunay na kahulugan at layunin sa ating mga buhay.

b) Tinutugunan Niya ang kagutuman natin sa buhay pagkatapos ng kamatayan

Karamihan sa mga tao ay ayaw mamatay. Gusto nating malampasan ang kamatayan. Tanging kay Jesu-Cristo lamang tayo makakatagpo ng buhay na walang hanggan. 

c) Tinutugunan Niya ang ating kagutuman sa kapatawaran

Kung tayo ay magiging tapat, aaminin nating lahat tayo ay may ginagawang mga bagay na alam nating mali. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, ginawang posible ni Jesus na tayo ay mapatawad at muling maibalik ang ugnayan natin sa Diyos. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Why Easter?

Ano bang kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay? Bakit napakalaki ng interes sa nilalang na isinilang 2,000 taon na ang nakalipas? Bakit napakaraming taong nasasabik kay Jesus? Bakit kailangan natin Siya? Bakit Siya naparito? Bakit Siya namatay? Bakit pinagkakaabalahan ng sinuman ang malaman ito? Sa 5-araw na gabay na ito, ibinahagi ni Nicky Gumbel ang mga napakahahalagang kasagutan sa mga katanungang ito.

More

Nais naming pasalamatan sina Alpha at Nicky Gumbel sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://alpha.org/