Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

ARAW 7 NG 7

“Kakaiba Sa Iba”

Hayaan mong ilapat ko ang sinabi ng ika-19 siglong paring si Horace Bushnell sa aspeto ng buhay mag-asawa: “Walang sinumang mga mag-asawa ang tinawag na maging ibang mag-asawa. Magsindami ang plano ng Diyos para sa mga mag-asawa sa bilang ng mag-asawa; at, kaya nga, hindi Niya kailanman iniuutos na sukatin ang buhay nila ayon sa buhay ng ibang mag-asawa.”

Ikaw ay kalahati ng isang walang katulad na mag-asawa. Walang ibang mag-asawa ang taglay ang inyong mga kaloob, inyong mga kahinaan, inyong kasaysayan, inyong natatanging pamamalakad, inyong mga anak, inyong pagkatawag. May dakilang kalayaan sa pagtanggap sa kung ano ang sariling-atin na katangian bilang mag-asawa: maaaring malakas tayo rito sa aspetong ito, mahina roon, marupok dito, matibay sa kabila, nangunguna rito, madalas bigo roon, ngunit tayo ay natatanging mag-asawa na tinawag ng Diyos na gampanan ang natatangi nating layunin dito sa mundo.

Itinatag ng Diyos ang inyong tahanan at inyong buhay mag-asawa, at iyan ang buhay na nais Niyang isakatuparan ninyo. Huwag kailanman tumingin sa ibang mag-asawa para sukatin ang inyong halaga; tumingin sa Diyos para maisakatuparan ang pagkatawag sa inyo. Huwag ihambing ang inyong sarili sa ibang mag-asawa upang sukatin ang inyong kaligayahan; ihambing ang inyong pagkamasunurin sa disenyo ng Diyos sa buhay ninyo upang masukat ang inyong katapatan.

Maging komportable sa inyong kuwento, sa sariling-inyong katangian bilang mag-asawa. Tamasahin ito. Huwag ihambing. Maging tapat lang sa natatanging bisyon ng Diyos para sa natatanging kayo (kayong dalawa). Hindi kailangan ng Diyos ng isa pang mag-asawa na tulad ng isang nalikha na Niya. Lubos Siyang mas malikhain kaysa ganyan. Sa halip, nais Niyang bigyan ng kalayaan at biyayaan ang natatanging mag-asawa na kayo.

*Anong mga mag-asawa ang madalas ninyong ihambing sa inyo? Naniniwala ba kayong inilagay kayo ng Diyos sa isang espesyal na lakbayin upang maipatupad ang Kanyang mga layunin? Paano ninyo ito isasakatuparan?

Nagustuhan mo ba ang gabay na ito? Kung oo, sumali para sa pagkakataong mapanalunan ang buong aklat sa here

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng sigla, na nagpapalaganap ng pang-espirituwal na buhay sa iba.

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/a_lifelong_love/