Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa
"Ang Diyos Bilang Biyenan"
Dumating ito na tila isang babala, at sa totoo lang, kailangan kong mapaalalahanan noong panahong iyon. Ako'y nagsisimula pa lang bilang isang asawa, at sa isang pagkakataon ng masidhing pananalangin, nabatid ko ang deretsahang pagsabi sa akin ng Diyos na si Lisa ay hindi ko lang asawa, kundi anak din Niya at kailangan kong tratuhin nang naaayon.
Namulatan ako nang sandaling iyon, at ang kahalagahan ng kaisipang ito ay lalong nadagdagan nang ako ay magkaroon ng sariling mga anak. Kung nais mong maging mabait ako sa iyo, maging mabait ka sa isa sa aking mga anak.
Sa kabilang banda naman, kung nais mo talaga akong galitin, buwisitin mo sila. Pagmalupitan sila. Tataas ang presyon ng dugo ko mabanggit lang ang pangalan mo dahil mas nanaisin ko pang awayin mo na lang ako kaysa isa sa mga anak ko.
Kaya nang mapagtanto ko na kasal ako sa isang anak na babae ng Diyos—at kayo, mga kababaihan, ay kasal sa isang anak na lalaki ng Diyos—ang buong pananaw ko patungkol sa pag-aasawa ay nabago. Ang nararamdaman ng Diyos para sa asawa ko—na Kanyang anak na babae—ay higit pang banal at maalab kaysa nararamdaman ko para sa sarili kong mga anak na babae. Bigla na lang, ang buhay may-asawa ko ay hindi na lang tungkol sa akin at sa isa pang tao; ito'y isang relasyon na may ikatlong kasama na maalab na nagmamalasakit. Napagtanto ko na isa sa magiging pangunahing pamamaraan ng pagsamba sa kabuuan ng buhay ko ay ang parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aalaga sa babae na magpakailanmang mananatili, sa Kanyang banal na isipan na "Kanyang little girl".
Madalas nating naririnig ang mga pastor na nagbubulay patungkol sa pagiging ama ng Diyos, isang kamangha-mangha at totoong doktrina. Ngunit kung nais mong baguhin ang iyong buhay may-asawa, dugtungan pa ang paghahalintulad na ito at maglaan ng panahon sa pagninilay tungkol sa Diyos bilang isang Biyenan. Dahil nang magpakasal ka sa isang mananampalataya, Siya na iyon sa iyo!
* Naisip mo na ba na ang iyong asawa ay anak ng Diyos? Paano nito binabago ang pakikipag-ugnayan (sa parehong gawa at saloobin) mo sa kanya?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng sigla, na nagpapalaganap ng pang-espirituwal na buhay sa iba.
More