Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa
“Pagmamahal sa Hindi Nagmamahal”
Malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, wika ni Jesus, hindi kapag minahal natin ang mga taong nagmamahal din sa atin, kundi kapag tulad ng Diyos, minahal natin ang "masasama at... hindi marunong tumanaw ng utang na loob".
Kung kasal ka sa pinakamakadiyos, pinakamabait, pinakamapagbigay at pinakamaalalahaning asawa na nabuhay, iyan na ang iyong gantimpala. Wala nang karagdagang gantimpala sa kalangitan para sa pagtatamasa mo ng mas maginhawang buhay may-asawa kaysa sa karamihan. Kaya mayroon kang ilang kalugod-lugod na dekada, habang ang iba'y nag-iimpok pa ng tatamuhin para sa walang hanggan.
Kung, halimbawa, binabalewala ka ng iyong asawa, maaaring hindi ka kailanman mapapahalagahan dito sa mundo, ngunit darating ang araw— ipinapangako ito ni Jesus!—na makikita mo ang iyong makalangit na Biyenan nang harapan at sasabihin Niya sa iyo ang, “Minahal mo nang napakabuti ang Aking anak na lalaki (o anak na babae), kahit alam Kong hindi kahit kailan niyang naintindihan kung gaano siya kapinagpala na ikaw ang napangasawa. Ngayon, hayaan mong ipakita Ko sa iyo kung paano Ko ginagantimpalaan nang walang hanggan ang mga nagmahal dahil sa pangalan Ko. Tanggapin ang iyong mga gantimpala, pumasok sa iyong kapahingahan!”
Nakikita mo ba kung paano binabago ng pananalig na may ganoong paparating na araw ang pagpapakahulugan natin sa isang mabuting araw dito at ngayon? Maghahanap tayo ng mga pagkakataon na magmahal, maglingkod, pumuna ng maganda, magpalakas ng loob, at magpasalamat, sa halip na tumuon lang sa kung gaano tayo kabuting minamahal, pinaglilingkuran, pinupuna nang maganda, pinapalakas ang loob, at pinapasalamatan ng ating asawa. Ito ay nakakapagpalakas ng loob sa inyong mga binabalewala. Maging totoo tayo: ang ilan sa inyo ay ikinasal sa mga hangal. Hindi ako nagsasawalang-galang, ngunit sinasabi ng Biblia na may mga hangal, di ba? Hindi maiiwasan na may maikasal sa kanila. Maaaring isa sa kanila ang napili mo. Sa panlupang perspektibo, iyan ay isang nasayang na buhay. Sa walang hangganang perspektibo, may pagkakataon kang maghanda para sa isang pakikipag-usap na labis na sigla at nakakalugod sa hukuman ni Cristo.
* Paano napapalakas ng mga sipi na ito ang loob mo na mahalin ang iyong asawa kahit mahirap itong gawin? Paano maapektuhan ng aral na ito ang araw-araw na pakikitungo mo sa kanya?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng sigla, na nagpapalaganap ng pang-espirituwal na buhay sa iba.
More