Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa
"Paghahanap sa Buhay na Darating"
Tanungin ang sarili: sa aking buhay may-asawa, gaano kadalas ako nasisilo sa pakikipag-away tungkol sa mga bagay na sa kalaunan ay wala namang kabuluhan? Ilang problema ng mag-asawa ang malulutas kung babasahin lang nang sabay ang Sermon sa Bundok nang minsan sa isang buwan?
Ito'y hindi para hamakin ang mga bagay sa mundo—hindi kailangang gawin iyon—ito ay upang itaas ang mga bagay sa langit. Tila isang makatang isinulat ni Jonathan Edwards na: "Ang mga ama at ina, mga asawa o anak, o ang kalipunan ng mga kaibigan sa mundo, ay mga anino lamang; subalit nasa kaluguran sa Diyos ang kabuluhan. Ang mga ito'y nagkalat na sinag lamang, subalit ang Diyos ang araw. Ang mga ito'y mga batis lamang; subalit ang Diyos ang bukal. Ang mga ito'y mga patak lamang, subalit ang Diyos ang karagatan."
Ang lahat ng ito'y nangangahulugan na kailangan nating magsumikap na maituon ang ating paningin, ang ating pagkahumaling; kung hindi, maaaring maibaling ang ating paningin sa mas maliliit (ngunit mahahalaga rin) na mga layunin—sa pagnanais na mapabuti ang ating komunikasyon, isaayos ang ating pananalapi, panatilihing sariwa at masaya ang ating pagmamahalan, at iba pa. Kailangan nating tandaan na hindi ang mga ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay at hindi ang mga ito ang pangwakas na layunin. Kung susumahin, tulad ng pinapaalala sa atin ni Edwards, “
Kung ang ating mga buhay ay hindi paglalakbay patungong langit, ito'y magiging paglalakbay patungong impiyerno.” Kung nais mo talagang maisabuhay ito, kausapin ang asawa mo at/o mga kaibigan nang regular. Itanong sa isa't isa: “Paano naiimpluwensiyahan ng pag-asa ng langit ang ating mga pamamaraan ng pagmamahal sa isa't isa, sa pagpapalaki ng ating mga anak, sa paggastos ng ating salapi, at paggugol ng ating oras?”
* Paano ninyong mag-asawa isinasabuhay sa araw-araw ang inyong pag-asa ng langit? Kung mapapanatili mo ang pananaw na walang hangganan, paano makakaapekto ito sa araw-araw na buhay mo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng sigla, na nagpapalaganap ng pang-espirituwal na buhay sa iba.
More