Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa
“Pagsikapang Pagharian ng Diyos”
Kung ang misyon mula kay Cristo ay ang “pagsikapang pagharian ng Diyos,” paano magiging posible ang isang matagumpay, nagbibigay-luwalhati-sa-Diyos na buhay mag-asawa nang walang malinaw na misyon? Hindi iniuutos sa atin na unang pagsikapan ang matalik na samahang mag-asawa, masayang buhay, masunuring mga anak, o ano pa man. Iniuutos ni Jesus na pagsikapan muna ang isang bagay lamang, at ito lamang: ang tayo ay pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban (ang dalawang ito'y nagbibigay kahulugan at nagtatatag sa isa't-isa, lumilikha ng iisang pinagsamang layunin). Ang matagumpay na buhay mag-asawa ay hindi lamang sinusuportahan ng isang makalangit na layunin, bagkus sa maraming aspeto ang layunin ay unang kinakailangan para sa isang pagsasamang lalawig nang lampas sa pagkamatalik na dala lamang ng pagkagiliw.
Ang buhay na walang ganitong hangarin, at buhay mag-asawa na walang ganitong layunin, ay lubos na mawawalan ng ningning. “Hinahanap natin ito ngayon: pagtutulungan sa isa't isa, pagkakaisa, pagkakatugmaan ng isip na tulad ng mga nagma-mountain climbing, pag-abot sa tugatog ng ating pangarap, at pagkatapos ay pagyapos sa isa't-isa sa pagwawakas ng bawat araw. Malalim na itinanim ng Diyos ang pananabik na ito sa bawat mag-asawa. Ito’y higit pa sa pananabik na may makasama. Ito’y higit pa sa pananabik na lumikha ng bagong buhay. Ito ay ikatlong pananabik, ang pananabik na magkasamang lumikha ng isang bagay na makabuluhan. Ayon sa Salita ng Diyos, tayo'y pinagsama upang gumawa ng kapaki-pakinabang. Tayo'y ikinasal para sa isang misyon.”
Ang pagiging “kasal para sa isang misyon” ay makapagpapanumbalik ng buhay sa mga pagsasamang ang bawat kabiyak ay nag-iisip na sila'y nagdurusa dahil hindi sila magkatugma; ang hinala ko'y marami sa mga mag-asawang ito ay sa katunayang nawalan na ng layunin. Ang mga salitang sinabi ni Jesus sa mga indibidwal sa Mateo 6:33 ay marahil mas totoo pa patungkol sa mga may asawa. Kapag isinusuko natin ang ating buhay, makakamit natin ito. Kapag tumutuon tayo sa labas ng ating buhay mag-asawa, mas mapapatibay natin ang ating samahan.
* Ang inyo bang buhay mag-asawa ay may misyon? Paano mo at ng iyong asawa magkasamang mas maipapamuhay ang buhay na may misyon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng sigla, na nagpapalaganap ng pang-espirituwal na buhay sa iba.
More