Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa
Isulat mo
Basahin ang talata para sa araw na ito.
Kung nais mong marinig magsalita ang Diyos, kailangan mong magtungo sa isang tahimik na lugar, maghintay nang matiyaga at mayroong pag-asa, hilingin sa Diyos na bigyan ka ng larawan kung ano ang nais Niyang sabihin sa iyo, at pagkatapos ay isulat ang mga tugon ng Diyos sa iyong mga katanungan.
Sa aklat ni Habakkuk, iniutos ng Panginoon sa may-akda na “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito”(Habakkuk 2:2 RTPV05).
Ganyan natin nakuha ang aklat ng Habakkuk. Sa unang kabanata, isinulat ni Habakkuk ang sinabi niya sa Diyos. At sa ikalawang kabanata, isinulat niya ang sinabi ng Diyos pabalik sa kanya.
Ganoon din kung paano natin nakuha ang aklat ng Mga Awit; ito ay tahimik na oras ni David. Nagnilay-nilay si David sa unang limang aklat ng Biblia, ang Torah, at pagkatapos ay isinulat niya ang kanyang mga iniisip, at tinawag itong mga salmo. Sa marami sa mga salmo, nagsisimula siya sa kung ano ang kanyang nararamdaman at pagkatapos ay nagtatapos sa kung ano ang sinasabi ng Diyos.
Kung ang iyong buhay-panalangin ay natigil sa isang lubak, at madalas mong ipagdasal ang parehong mga bagay nang paulit-ulit —“Diyos, samahan mo ang taong ito” o “Pagpalain ang pagkaing ito na panustos ng aming mga katawan” — kung gayon narito ang kailangan mong gawin: Simulan mong isulat ang iyong mga panalangin.
"Ano? Ibig mong sabihin hindi ko na kailangang sabihin ang mga ito?" Tama iyan! Ang pagsusulat sa mga ito ay isang panalangin. Naririnig ito ng Diyos sa iyong mga iniisip. Isulat mo lang.
Tama lang bang magsulat ng isang panalangin at pagkatapos ay basahin ito? Oo! Maaari ito. Kapag isinusulat mo ito, nagdarasal ka. Kapag binabasa mo ito, nagdarasal ka.
Ito ay tinatawag na espirituwal na ugali ng pagtatala, at isa ito sa mga dapat maunawaan at gawin ng lahat ng Cristiano.
Ang pagtatala ay hindi isang talaarawan. Ang talaarawan ay tungkol sa mga bagay na ginawa mo. Ang isang pagtatala ay tungkol sa mga aral na natutunan mo — ang mga pagkakamaling nagawa mo at kung paano ka natuto sa mga bagay na iyon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang malaman mo at gawin ang Kanyang kalooban.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.