Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa
Buksan ang Iyong mga Mata sa Pangitain ng Diyos
Basahin ang mga talata para sa araw na ito.
Ang Biblia ay puno ng daan-daang halimbawa ng mga taong nakakuha ng pangitain ng Diyos, tulad nina Isaias, Jeremias, Daniel, Oseas, Jonas, at Mikas. Ang makita ang pangitain ng Diyos para sa iyong buhay ay hindi isang kabaliwang bagay. Ang Diyos ay madalas na gumagamit ng isang pangkaisipang larawan upang linawin ang susunod na hakbang na gusto Niyang gawin mo.
Hindi ko na kailangang ipaliwanag ito sa marami sa inyo dahil kayo ay mga taong may nakikitang larawan sa utak habang nag-iisip. Kapag nagbasa ka ng isang kuwento sa Biblia, makikita mo ang kuwentong iyon sa matingkad na kulay. Kapag nagbasa ka ng isang libro, inilalarawan mo ang kuwento sa iyong isip habang nagbabasa.
Ngunit para sa iba sa atin, ito ay higit na mahirap. Hindi ako ganoon. Madalas akong mag-isip sa mga salita, hindi sa mga larawan.
Kaya paano mo makukuha ang pangitain ng Diyos kung hindi mo nagagawang ilarawan sa iyong utak ang iniisip mo?
Una, magtanong sa Diyos ng isang tiyak na tanong.
Sa iyong tahimik na oras, pagkatapos mong basahin ang Biblia at manalangin, marahil ay tahimik ka lang at naghihintay sa harap ng Diyos. Maaari mong itanong, “Diyos ko, may gusto Ka bang sabihin sa akin?” At pagkatapos ay maghintay ka. "Diyos ko, may kailangan pa ba akong malaman na hindi ko iniisip?" At pagkatapos ay maghintay ka.
Sinasabi sa Santiago 1:5, “Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.” (RTPV05). Gusto ng Diyos na humingi ka sa Kanya ng payo, at gusto Niyang maging tiyak ka. Hinihintay Ka niyang magtanong!
Pangalawa, tingnan ang Salita ng Diyos para makita kung ano ang maaaring gustong sabihin ng Diyos sa iyo.
Ang Awit 119:18 ay isang talatang dapat mong isaulo: “Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral.”(RTPV05). Ito ay isang magandang talata upang manalangin habang binubuksan mo ang Salita ng Diyos. Ang bawat sagot sa bawat problema mo ay nasa librong iyon. Ngunit kailangan mong basahin ito, pag-aralan ito, isaulo ito, at pagnilayan habang hinahanap mo ang pangitain ng Diyos para sa iyong buhay o kahit para lamang sa araw na ito.
Ang debosyonal na ito © 2014 ni Rick Warren. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ginamit nang may pahintulot.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang malaman mo at gawin ang Kanyang kalooban.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.