Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa
Ang Tatlong Hadlang sa Isipan Upang Marinig ang Tinig ng Diyos
Basahin ang talata para sa araw na ito.
Napansin nating lahat na ang kalidad ng pagtanggap sa isang cell phone ay mayroong malawak na pagkakaiba-iba. Ganoon din sa iyo. Kailangang nasa tamang posisyon ka upang marinig ang pagsasalita ng Diyos.
Minsan hindi natin binibigyan ng pagkakataon ang Diyos na kausapin tayo. Nakapagpasya na tayo. Gusto nating gawin ang gusto nating gawin, hindi ang gusto ng Diyos na gawin natin. Ang ating mga puso ay matigas, at tumatangging makinig.
Ngunit kung talagang gusto mong makarinig mula sa Diyos — at anong mananampalataya ang hindi? — kailangan mong maunawaan kung ano ang pumipigil sa iyo sa pakikinig mula sa Diyos. May tatlong hadlang sa pag-iisip na nagpapanatili sa iyong kaisipan na sarado sa mensahe ng Diyos.
1. Pagmamalaki. Kung sa tingin mo ay hindi mo kailangan ang Diyos sa iyong buhay at nais mong hawakan ang mga bagay sa iyong sarili, malamang na hindi ka nakikinig sa pagsasalita ng Diyos. Ang pagiging mapagmataas ang pumipigil sa iyo upang maging bukas sa mga posibilidad na maaaring may nais na sabihin sa iyo ang Diyos.
2. Takot. Maraming tao ang hindi naririnig ang pagsasalita ng Diyos dahil natatakot silang marinig ang Diyos na magsalita. Marahil ay iniisip mo na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay ginagawa kang isang uri ng panatiko sa relihiyon.
3. Kapaitan. Kapag pinanghahawakan mo ang sakit, hinanakit, o sama ng loob, hindi mo maririnig ang Diyos, dahil matigas ang iyong puso. Nanlamig ito at ginawa kang mapagsanggalang, maging sa pag-ibig ng Diyos.
Ang ilan sa inyo ay nasaktan nang husto, nangyari man ito nitong linggong ito o taon na ang lumipas, at pinanghahawakan mo pa rin ito. Gusto kong sabihin sa iyo na kailangan mong palayain ito. Hindi para sa kanilang kapakanan, kundi para sa iyong kapakanan. Pinapatay ka ng galit! Ang galit ay isang sugat sa sarili na nagpapahintulot sa mga tao mula sa iyong nakaraan na patuloy na saktan ka hanggang ngayon. Kailangan mo itong pakawalan, hindi dahil karapat-dapat silang patawarin kundi dahil kailangan mong ipagpatuloy ang iyong buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang malaman mo at gawin ang Kanyang kalooban.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.