Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa
Bago pa man Magsalita ang Diyos, Magpasya na Magsabi ng "Oo"
Basahin ang talata para sa araw na ito.
Nakikipag-usap ang Diyos sa mga taong nagpasiya na gagawin nila ang Kanyang iuutos sa kanila, bago pa man Niya sabihin sa kanila. Sinasabi nito, "O Diyos, kung gusto Mong lumipat ako, lilipat ako. Kung gusto Mo akong magpakasal, magpapakasal ako. Kung gusto Mong umalis ako sa trabahong ito, aalis ako sa trabahong ito. Bago Mo pa man sabihin sa akin, ang sagot ko ay ‘oo.’ Kung ano ang gusto Mong gawin ko, gagawin ko.”
Sinasabi ng Lucas 8:15, “Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga.” (RTPV05).
Dati kong pinag-aralan ang talinghagang ito ni Jesus at iniisip na ito ay nagsasalita tungkol sa apat na uri ng tao: yaong mga lumalaban, yaong mababaw, yaong mga abala, at yaong mga mabubuti.
Ngunit ang talinghagang ito ay aktwal na kumakatawan sa apat na saloobin. Maaari kang magkaroon ng lahat ng apat na saloobin sa parehong araw! Isang sandali, sasabihin mo, "Diyos, ayaw kitang marinig, dahil alam ko kung ano ang Iyong sasabihin." At sa susunod na sandali sasabihin mo, “Panginoon, sabihin Mo sa akin, dali.” Pagkatapos ay maririnig mo ito at sa tingin mo ay mabuti, ngunit wala kang ginagawa tungkol dito. Marahil ang bunga ay nagsisimulang mamunga sa iyong buhay, ngunit pagkatapos ay nagiging abala ka sa iyong trabaho o paaralan o sa iyong mga anak, at ang mga damo ay lumalago na. Sa ibang pagkakataon sasabihin mo, “Diyos, anuman ang gusto mo. Ako ay lubos na bukas sa Iyo."
Nais ng Diyos na magkaroon ka ng saloobin ng pagsunod upang ikaw ay magbunga — ang termino sa Biblia para sa pagiging matagumpay. Nais ng Diyos na maging mabunga ka sa iyong negosyo, sa iyong pamilya, sa iyong pagkakaibigan, sa iyong relasyon sa Diyos at sa iba, at sa iyong kalusugan.
Kaya paano ka mamumunga kapag may sinabi ang Diyos sa iyo? Ipasa mo ito. Kapag may sinabi sa iyo ang Diyos, ang pinakamabilis na paraan upang ito ay magbunga sa iyong buhay ay ang sabihin sa iba ang iyong natutunan.
Ang isa pang salin ng Lucas 8:15 ay nagsasabing, “At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubunga may pagtitiis" (TLAB). Nais ng Diyos na ipasa mo sa iba ang iyong natutunan.
Ang debosyonal na ito © 2014 ni Rick Warren. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ginamit nang may pahintulot.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang malaman mo at gawin ang Kanyang kalooban.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.