Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa

Hearing The Voice Of God

ARAW 3 NG 11

Masyado bang Abala ang Iyong Paligid?

Basahin ang mga talata para sa araw na ito.

Hindi mo maririnig ang Diyos kung ang iyong isip ay puno ng iba pang mga iniisip o alalahanin — partikular na ang mga alalahanin, mga plano, at mga gawain. Kung palagi kang nakikinig sa radyo o sa TV, kapag tinawag ka ng Diyos, magiging abala ang paligid. Kailangan mong alisin ang mga hadlang.

Sinabi ni Jesus sa Lucas 8:7, “May nalaglag naman sa may damuhang matinik, at nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo ". (RTPV05)

Ang uri ng lupa na may mga damo sa loob nito ay talagang itinanim na mga pananim at nagsimulang tumubo. Ngunit habang ito ay lumalaki, tumutubo ang mga damo sa paligid nito, at ang mga damo ay nagsisimulang sumakal sa buhay ng gulay o halaman, kaya hindi ito namumunga.

Narito ang sinabi ni Jesus na siyang kahulugan ng Lucas 8:7: “Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga.”(Lucas 8:14 RTPV05).

May tatlong bagay na nakakasakal sa pakikinig sa Diyos:

Pangamba. Ang mga alalahanin ay mga damo. Kapag sobrang abala ka sa mga problema at panggigipit sa pang-araw-araw na pamumuhay, nagiging mas mahirap pakinggan ang Diyos.

Kayamanan. Maaari kang maging abala sa pagsisikap na magbayad ng iyong mga bayarin, abala sa pagsisikap na makawala sa utang, sobrang abala sa pagsisikap na kumita ng higit pa, at sobrang abala sa paghahanap-buhay na hindi ka na nakakapamuhay.

Kasiyahan. Walang masama sa kasiyahan. Ngunit sinabi ng Diyos na kapag abala ka sa kasiyahan, nakakaligtaan mo Siya at ang Kanyang mga plano para sa iyong buhay.

Hindi mo kailangang magtanim ng mga damo. Kusa silang lumalaki, hindi ba? Sa katunayan, ang mga damo ay tanda ng pagpapabaya. Kung makakita ka ng mga damo sa iyong bakuran o hardin, nangangahulugan ito na hindi mo inaalagaan ang iyong bakuran o hardin. Ang mga damo sa iyong espirituwal na buhay ay isang palatandaan na ikaw ay nagpapabaya sa oras kasama ang Diyos.

Kapag ang lahat ng sa paligid ay abala, kailangan mong tumahimik.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing The Voice Of God

Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang malaman mo at gawin ang Kanyang kalooban.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.