Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
PAKIKIRAMAY
"Ang pagmamahal natin ay nanlalambot kapag hindi pinalalakas ng katotohanan, at ang katotohanan ay tumitigas kapag hindi pinalalambot ng pagmamahal." --John Stott.
Ang pinakadiwa ng pakikiramay ay ang pagbabalanse ng katotohanan at pagmamahal. Ang mapag-sagip na magulang ay kumikiling sa pagmamahal, ngunit umiiwas sa katotohanan. Ang mapag-diktang magulang ay kumikiling sa katotohanan ngunit kaunti ang ihinahalong pagmamahal. Ang tagapagpayong magulang ay kayang ihayag ang pagmamahal sa anak anuman ang kanilang sabihin o gawin, ngunit may kalakasang maglaan ng mga wastong kaparusahan at pabayaang mahirapan ang bata para ang tunay na pagkatuto ay maganap. Ito ay mahirap na pagbabalanse, at ang ating pagkabalisa o galit ang nagbubunyag kung nasaan tayo sa pagitan ng pagiging tagapagsagip o diktador. Ang pagmamahal mo ba ay masyadong malambot, o ang katotohanan mo ba ay labis na matigas?
Ang balansehin ito sa pagitan ng katotohanan at pagmamahal ang magmomodelo ng relasyon sa atin ng ating Ama sa Langit.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com