Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ALISTO SA PAKIKINIG, DAHAN-DAHAN SA PAGSASALITA
Kapag nahaharap sa asal na walang-galang, matigas ang ulo o suwail, natural lang ang magalit. Sa kasamaang-palad, ang natural na tugon na ito ay hindi nakakatulong na maisiwalat ang mga totoong isyung nakabaon sa puso ng bata kung bakit nagagawa niya ang naturang mga kilos. Ito ay dahil ang "galit ng tao" ay gumagambala sa atin sa paghangad ng katuwiran. Kapag paggalit ang tugon ng magulang sa maling pagpili ng anak, nalilipat ang pokus mula sa masamang ikinikilos ng bata tungo sa paggalit na tugon ng magulang.
Wika sa atin ng mga berso ang maging alisto sa pakikinig at dahan-dahan sa pagsasalita. Ang mataimtim na pakikinig, matipid na pagsasalita, at pagtulong sa iyong anak na maunawaaan ang mga motibong nasa likod ng kanyang ikinikilos ang magbubukas ng kanyang mga mata tungo sa katuwiran ng Diyos. Palitan ang galit ng pakikiramay, at masdan ang mangyayari.
Ang pagtugon sa katigasan ng ulo nang may pakikidamay imbis na galit ay mahirap gawin, ngunit may gantimpalang dakila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com