Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 2 NG 280

DISIPLINA, PAGKATAO at PAG-ASA

Kapag nagdurusa ang ating mga anak, gawa ng sarili nilang maling pagpili o anu pa man, matinding naisin ng magulang ang sila ay sagipin sa sama ng loob o pangaralan kung paanong umiwas sa kagayang gusot sa hinaharap. Ngunit iba ang plano ng Diyos—ang linangin sila sa pamamagitan ng kanilang mga pagsubok. Ang mga aral na bumubuo ng pagkatao ay madalang natututunan sa panahon ng tagumpay. Bagkus, ang mga pagsubok sa buhay ang nagtuturo sa atin kung paanong magtiyaga kahit masakit. Ang alisin ang kanilang mga pagsubok ay ang agawin ang kanilang paglago, yumabong ang pagkatao, at matutong umasa sa Diyos.

Ang pinakamainam na mga aral sa paglilinang ng pagkatao ay natututunan sa mga pagsubok. Huwag mong supilin ang pagsulong ng iyong anak sa pamamagitan ng pagsagip o paghalili sa kanya sa mabibigat na sitwasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com