Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Piliin ang Mas Mabuting Buhay
Basahin ang mga bersikulo para sa araw na ito.
Noong bata pa ako, pinakain ako ng nanay ko ng SpaghettiOs. Akala ko ay iyon na ang pinakamasarap na pagkain! Tapos natuklasan ko ang In-N-Out burger. Nabago ang aking buhay mula sa mabuting buhay patungo sa mas mabuting buhay. Masarap ang SpaghettiOs, ngunit mas masarap ang malinamnam na In-N-Out burger.
Maaaring akala mo ay mayroon ka nang mabuting buhay sa ngayon, ngunit kung may pagkakataon para magkaroon ka ng mas mabuting buhay, hindi mo ba nanaising malaman ang tungkol dito?
Sa kasamaang-palad, ang pumipigil sa atin na makamit ang mas mabuting buhay ay ang walang katuwirang pag-iisip ng pagiging sapat sa sarili o self-sufficiency. Tingin natin ay ayos lang tayo sa ating pag-iisa.
Binabanggit ito nang tulad sa Awit 10:4: "Ang sabi ng masasamang tao, 'Diyos ay walang pakialam,' sabi nila'y 'walang Diyos,' dahil sa kanilang kahambugan." (RTPV05).
Katulad ng may-ari ng bahay-panuluyan sa kwento ng unang Pasko (Lucas 2), hindi tayo naniniwalang kailangan natin ng marami pang mga panauhin. Tingin natin ay nasa atin na ang lahat ng kailangan natin.
Mayroon lamang isang problema sa kahambugan na yan: Nakakaligtaan mo ang pinakadahilan ng paglikha ng Diyos sa iyo. Nilikha ka ng Diyos upang magkaroon ka ng pakikipag-ugnayan sa Kanya. Hindi mo maisasakatuparan ang layunin niya sa buhay mo, na higit na engrande at higit na makabuluhan kaysa sa iniisip mo, maliban na lamang kung ikaw ay nakaugnay sa Diyos, ang tunay na pinanggagalingan ng lakas mo.
Ngunit ang magandang balita ay hindi pa huli ang lahat. Maaari kang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanya kahit anupaman ang nangyari sa iyong nakaraan, kahit na ilang beses mo na siyang tinanggihan noon.
Ginawa nang simple ng Diyos upang maintindihan ng sinuman. Tatlong salita lamang: Anyayahan mo Siya.
Sinabi ni Jesus, "Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo." (Pahayag 3:20 RTPV05).
Kumakatok si Jesus sa iyong pintuan. Kamtin mo ang mas mabuting buhay sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa Kanya sa iyong buhay. Gawin mo siyang panginoon ng iyong buhay.
Babaguhin nito ang lahat.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulungan kang alalahanin ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang mo ang Pasko, at bakit dapat baguhin nito hindi lang kung paano mo ipagdiwang ang mga mahahalagang araw, kundi pati rin ang natitirang bahagi ng buhay mo.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
![Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1287%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa
![Pakikinig sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pakikinig sa Diyos
![May Power Ang Words Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55548%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
May Power Ang Words Natin
![Gusto Ka Ni Jesus](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54855%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Gusto Ka Ni Jesus
![Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)