Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Wika sa mga Pantas
Basahin ang mga bersikulo para sa araw na ito.
Tumingin sa anumang tagpo sa belen, at maaaring napuna mo na mayroong isang pangkat ng mga tauhan na tila hindi nababagay sa bangan: Ang mga Pantas. Maaaring nasanay na lamang tayo sa kanila, ngunit kung titingnang mabuti, nagmumukha silang hindi kabilang sa eksena dahil sa magagara nilang kasuotan at mga mamahaling regalo.
Ngunit para sa akin, sila ang mga pinaka-kamangha-manghang mga tao sa kwento ng Pasko. Marami tayong hindi alam tungkol sa kanila. Hindi natin alam kung sino sila at kung saan sila nagmula. Tinatawag sila sa Biblia na mga "mago." Ang mga mago ay pinaghalong pilosopo, siyentista, at astronomer. Sila ay mayayaman at may mataas na pinag-aralan. Ngunit tanging iyon lang talaga ang alam natin tungkol sa kanila.
Ngunit alam natin na sila ay matatalinong mga tao. Sa katunayan ay marami tayong matututunan mula sa karunungang ipinamalas nila sa kwento ng Pasko ng pagsilang.
Sa lahat ng mga aral mula sa Mga Pantas, natututunan nating maging mapaghanap ng katotohanan. Ang matatalinong tao ay hindi kuntento sa mga hula o haka-haka. Nais nilang malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos, sa kanilang nakaraan, at sa kanilang hinaharap. Itinanong ng Mga Pantas, "Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?" (Mateo 2:2a RTPV05)
Hinahanap ng mga Pantas si Jesus. Siya ay patuloy pa ring hinahanap ng mga matatalinong kalalakihan at kababaihan sa ngayon.
Mayroong dalawang uri ng tao pagdating sa katotohanan: Ang mga speculator o mga palagay sa haka-haka, at mga seeker o naghahanap ng katotohanan. Ang mga speculator ay nanghuhula lamang tungkol sa katotohanan. Ipinapalagay ng mga speculator na alam na nila kung ano ang Diyos.
Gustong-gusto ng mga speculator na makipagtalo at pag-usapan ang Diyos, ngunit sila ay nanghuhula lamang — dahil hindi nila talaga nais malaman ang katotohanan. Gusto lamang nilang pag-usapan Siya.
Sa kabilang banda, kinalulugdan ng Diyos ang mga taong naglalaan ng oras upang alamin ang katotohanan. Ginagawa ng mga seeker ang apat na bagay na ito:
• Nagtatanong sila.
• Nag-aaral sila.
• Nagmamasid sila sa kung ano ang nangyayari sa paligid nila.
• Ginagawa nila ang lahat upang mahanap ang mga kasagutan.
Hinahanap nila si Jesus gamit ang lahat ng mayroon sila. Kinalulugdan ng Diyos ang mga seeker. Sinasabi sa atin ng Biblia, "Gayunman, matatagpuan ninyong muli si Yahweh kung siya'y buong puso ninyong hahanapin." (Deuteronomio 4:29 RTPV05).
Kung ikaw ay talagang seryoso na matuklasan ang katotohanan, siguradong makikita mo ito.
Hindi hahayaan ng Diyos na hindi mo ito makita.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulungan kang alalahanin ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang mo ang Pasko, at bakit dapat baguhin nito hindi lang kung paano mo ipagdiwang ang mga mahahalagang araw, kundi pati rin ang natitirang bahagi ng buhay mo.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
![Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1287%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa
![Pakikinig sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pakikinig sa Diyos
![May Power Ang Words Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55548%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
May Power Ang Words Natin
![Gusto Ka Ni Jesus](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54855%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Gusto Ka Ni Jesus
![Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)