Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Masyadong Abala para kay Jesus?
Basahin ang Lucas 2:7.
Isang taon nang bata pa ang aming mga anak, ipinasya ng aking asawa na ako ang mamili kung saan magbabakasyon ang aming pamilya. Ipinasya ko na nais kong magkaroon ng isang biglaang bakasyon, yung walang kahit anong pagpaplano. Bilang pastor at pinuno, bawat araw ng buhay ko ay nakaplano. Parang hindi masayang gawain ang magplano ng isang bakasyon!
Ang isang ganap na biglaang bakasyon kapag ikaw ay may-asawa't mga anak ay hindi mabuting ideya. Dahil walang ginawang pagpaplano sa unang limang gabi ng bakasyon namin sa limang magkakaibang lunsod, natulog kami ng apat sa limang gabing iyon sa sasakyan dahil wala kaming mahanap na motel na may bakante. Hindi sanay mag-camping ang mga anak ko. Sa ikalimang gabi, napagpasyahan naming magplano na.
Dahil sa bakasyon na iyon, mas naunawaan ko ang ibig sabihin ng Biblia noong sinabi sa atin sa kuwento ng unang Pasko na "walang matuluyan" sina Maria at Jose.
Ang pagdating ng walang hanggang Diyos at ipinangakong Mesias ay inaasahan na sa loob ng ilang libong taon. Ipinahayag ng mga propesiya ang katotohanan na ang Tagapagligtas ng mundo ay darating. Napakahalaga ng Kanyang kapanganakan kaya't nahati nito ang kasaysayan sa B.C at A.D. Ang kaarawan mo ay nagkaroon ng petsa batay sa kaarawan ni Jesus.
Ngunit nang ang Anak ng Diyos ay dumating sa mundo, walang kwarto para sa Kanya. Nakalagpas ang isang napakagandang pagkakataon para sa may-ari ng mga panuluyan. Kung si Jesus ay ipinanganak sana sa isa sa mga kwartong pinarerentahan niya, maaari sana siyang magtayo ng malaking karatula katulad ng mga nasa Las Vegas na nagsasaad na "Ipinanganak Dito ang Anak ng Diyos!" Maaari sana siyang magpaupa ng mga kwarto sa mas malaki pang halaga! Sa halip napalampas niya ang pinakamalaking biyaya ng kanyang buhay dahil wala siyang kwartong nailaan para kay Jesus.
Hindi tayo pwedeng maging masyadong malupit sa may-ari ng panuluyan dahil wala siyang nailaan para kay Jesus. Madalas ay ganoon din tayo.
Tinatanggihan nating bigyan Siya ng pagpapahalaga sa buhay natin na nararapat sa Kanya. Pinupuno natin ang ating mga gawain ng mga pangyayaring hindi gaanong mahalaga kung ikukumpara kay Jesus. Ginagastos natin ang pera natin sa pagbili ng pinakabagong mga gadget ngunit wala tayong maibigay para sa pagpapalawig ng gawain ng Diyos sa buong mundo. Ginugugol natin lahat ng oras natin sa pagpapagal sa trabaho gayunpaman ay sasabihin natin na wala tayong oras para tulungan ang mga nangangailangan sa ating simbahan at komunidad.
Habang naghahanda ka sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, tanungin mo ang iyong sarili: Naglaan ka ba ng kwarto sa iyong panuluyan para kay Jesus?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Hope Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1278%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulungan kang alalahanin ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang mo ang Pasko, at bakit dapat baguhin nito hindi lang kung paano mo ipagdiwang ang mga mahahalagang araw, kundi pati rin ang natitirang bahagi ng buhay mo.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Mas Mahusay Kapag Sama-sama](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1650%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mas Mahusay Kapag Sama-sama
![Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1286%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
![Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1287%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa
![Pakikinig sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1763%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pakikinig sa Diyos
![May Power Ang Words Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55548%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
May Power Ang Words Natin
![Gusto Ka Ni Jesus](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54855%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Gusto Ka Ni Jesus
![Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)