Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 5 NG 10

Huwag Palampasin ang Pagkilos ni Jesus

Basahin ang Juan 4:10.

Sa ngayon ay nagkalat ang mga TV at radio wave sa paligid mo. Kung mayroon kang radyo, malalaman mo kung ano ang mga nasa alon na iyon. Ngunit hindi dahil sa hindi mo nakikita ang mga ito ay hindi nangangahulugang hindi sila totoo. Hindi ka lang nakatutok.

Parang ganyan din ang tagpo sa Bethlehem noong gabi ng unang Pasko. Kahit na mayroong lugar panuluyan sa Bethlehem na ang tanging layunin ay mabigyan ng matutuluyan ang mga manlalakbay, walang naging bakanteng kwarto para sa di maikakailang pinakamahalagang pamilya ng manlalakbay sa Bethlehem noong gabing iyon.

Ngayong Pasko, huwag nating palampasin ang katulad na kwento sa ating mga puso. Nilikha ang puso mo para patuluyin ang Diyos. Nilikha ka ng Diyos at para sa Diyos. Hanggang hindi mo nauunawaan ito, mananatiling walang saysay ang buhay. Sa kasamaang-palad, pinupuno natin ang ating mga buhay ng ibang mga bagay. Nag-iimbita tayo ng ibang mga bisita sa ating mga tahanan. Napupuno ang puso natin ng ibang mga saloobin, interes, pagpapahalaga, pagmamahal, at iba pang mga pangako.

Punong-puno ang ating mga buhay na halos di natin namamalayan na si Jesus ay dumarating sa paligid natin. Dumarating ang Diyos sa buhay natin sa lahat ng oras, nagbibigay ng mga pagkakataong hindi natin lubos akalaing maaari pala nating maranasan, sa gitna ng mga problemang hindi natin nalalaman na tayo ay magkakaroon pala. Ngunit kadalasan, sadyang hindi natin Siya nakikita.

Maraming beses na itong nangyari sa Biblia. Magpapakita si Jesus at makikipag-usap sa mga taong hindi nakakabatid kung sino Siya. Sa aklat ni Juan, nakaupo si Jesus sa may balon nang dumating ang isang babae upang mag-igib. HIndi niya nakilala si Jesus. Sa katunayan, nakipagtalo pa siya tungkol sa relihiyon sa Anak ng Diyos! Saka sinabi ni Jesus, "Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay" (Juan 4:10 RTPV05). Ngunit hindi nakilala ng babae si Jesus.

Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa paligid mo — hindi lamang tuwing Pasko kundi sa buong taon. Maaari kayang ikaw o ang mga taong mahal mo ang di nakapapansin sa Kanya?

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulungan kang alalahanin ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang mo ang Pasko, at bakit dapat baguhin nito hindi lang kung paano mo ipagdiwang ang mga mahahalagang araw, kundi pati rin ang natitirang bahagi ng buhay mo.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.