Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 7 NG 10

Kilalanin ang Iyong Tagapaglikha

Basahin ang mga bersikulo para sa araw na ito.

Sa panahong ito ng taon, lahat tayo ay maraming mahahalagang bagay na dapat gawin. Mayroon tayong mga ulat na kailangan isulat sa pagtatapos ng taon. Mayroon tayong mga paplanuhing lulutuin para sa kapistahan. At siyempre, mayroon tayong mga regalong kailangang bilhin.

Ngunit mayroon kang mas mahalagang dapat na pagtuunan ng pansin ngayong Pasko: ang pagkakaroon ng pansarili at lumalagong pakikipag-ugnayan kay Jesus.

Bakit kailangan mong makilala pang mabuti si Jesus? Mayroong hindi bababa sa dalawang napakahalagang dahilan.

Una sa lahat, nilikha ka ni Jesus. Sinasabi ng Biblia, "Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan" (Juan 1:1-4,14 RTPV05).

Mayroon kang pagkakataon na makilala hindi lamang ang Lumikha ng sansinukob, kundi upang makilala ang iyong Tagapaglikha. Narinig natin ang kasabihan, "Kapag hindi sigurado, basahin ang manual." Ang pagkilala kay Jesus ay higit na mabuti. Kung nais mong malaman kung paano mas magiging ganap ang buhay, bakit hindi mo kilalanin ang Siyang lumikha sa iyo?

Ikalawa, binubuksan ni Jesus ang puso mo upang tamasahin ang buhay na may layunin, kapayapaan at kapangyarihan. Sinisiguro ng pakikipag-ugnayan kay Jesus ang lugar mo sa langit, pero higit pa ang ginagawa nito sa buhay mo. Ipinapangako ng Diyos ang buhay na may layunin, kapayapaan at kapangyarihan sa lahat ng nakakakilala sa Kanya.

Ang pagkakilala kay Jesus sa mas personal at malalim na paraan ay nakakapagpabago sa lahat sa buhay mo. Ang layunin, kapayapaan, at kapangyarihan ay simula pa lamang ng mga nais na ibigay ng Diyos sa iyo sa buhay na ito.

Sa kasamaang-palad, karamihan sa mga tao ay namumuhay sa maliit at hindi makabuluhang paraan dahil pinuno na nila ang buhay nila ng mga walang kabuluhang gawain.

Habang papalapit ang Pasko ngayong taon, isipin mo ang may-ari ng panuluyan na hindi naglaan ng kwarto para kay Jesus noong unang Pasko. Ang mga gawain niya ay hindi nakahadlang upang maisilang si Jesus. Ang mga gawain niya ay hindi nakapigil ng layunin ng Diyos sa kasaysayan. Nakasakit lamang ito sa may-ari ng panuluyan. Napalampas niya ang natatanging pribilehiyo na kupkupin ang Anak ng Diyos sa kanyang kapanganakan.

Ganun din ito para sa iyo. Kung hindi mo bibigyan ng panahon na kilalanin si Jesus, pinalalampas mo ang pagkakataon na makilala ang iyong Manlilikha. Pinalalampas mo ang pagkakataong magkaroon ng layunin, kapayapaan at kapangyarihan na nagmumula lamang sa Anak ng Diyos. Pinalalampas mo ang layunin Niya sa buhay mo kung hindi mo siya patutuluyin.
Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulungan kang alalahanin ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang mo ang Pasko, at bakit dapat baguhin nito hindi lang kung paano mo ipagdiwang ang mga mahahalagang araw, kundi pati rin ang natitirang bahagi ng buhay mo.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.